• Home
  • Fresh Scoops
  • Karylle, naging emosyonal dahil sa mensahe ng ina na si Zsa Zsa Padilla

Karylle, naging emosyonal dahil sa mensahe ng ina na si Zsa Zsa Padilla

Ipinaliwanag din ng Kapamiliya singer na si Karylle kung bakit naging palayaw niya ang "Bajie Wajie."

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/29/2019 2:09 PM
Karylle, naging emosyonal dahil sa mensahe ng ina na si Zsa Zsa Padilla


Naging emosyonal ang Kapamilya singer na si Karylle sa episode ng Magandang Buhay kahapon, March 28. Hindi napigilan maluha ni Karylle habang binabasa ang birthday message para sa kanya mula sa ina na si Zsa Zsa Padilla.

Ayon sa sulat na binasa ng kapwa guest na si Ria Atayde, proud si Zsa Zsa sa success ni Karylle lalo na sa iba't-ibang charities na kinabibilangan nito.  "The greatest joy I get is when people come up to me to say what a good person you are. You have been an angel to charities like Child House and White Cross.

"Do you know that your fans message me online all the time? They say how much they admire you and how they wanted to be like you. And as a parent, that makes me extremely proud," ayon kay Zsa Zsa.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

our new Tawsg ng Tanghalan hurado... mama @zsazsapadilla 🎶 #ShowtimePaZsaBog

A post shared by Karylle (@anakarylle) on

Matapos marinig ang binasang sulat, emosyonal pa rin na nagpasalamat si Karylle sa ina. "Ang sarap makita sa mundo na ang daming love. Hindi talaga tayo mauubusan ng love, kahit anuman bad news ang makita natin sa dyaryo or whatever, parang nanaig pa rin talagang maraming nagmamahalan. And I think that will save us," pahayag ni Karylle.

Habang ipinagdiriwang ang kaarawan sa naturang episode, naging interesado naman si momshie host Melai sa nabasang palayaw ni Karylle na "Bajie."

"Dati kasi uso yung Bazooka bubble gum. So ang full name ko is Ana Karylle "Bajie Wajie Bazooka Bubble Gum" Padilla-Tatlong Hari," paliwanag ni Karylle sa mga momshie hosts. Naging paborito raw ito ni Karylle noong bata siya kaya ginamit na rin niyang itong palayaw.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

The gang’s all here #mystifiedoniflix premiere night #redcarpet @shangrilaplazaofficial

A post shared by Karylle (@anakarylle) on

READ: Anu-ano ang mga dapat abangan mula sa Mystified?

Samantala, nagbabalik sa pag-arte si Karylle sa bagong digital series na Mystified. Kasama niya rito ang mga dating nakatrabaho na sina Iza Calzado, Sunshine Dizon, at Diana Zubiri. Mapapanood ang Mystified sa iFlix app.