Jessy Mendiola, tutok ngayon sa bagong negosyo

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/29/2019 12:15 PM
Jessy Mendiola, tutok ngayon sa bagong negosyo


Sa media conference ng pekikulang Stranded ng Regal Entertainment, binigyang linaw ni Jessy Mendiola ang mainit ngayon na usapin tungkol sa planong network transfer daw niya.

Ayon kay Jessy, hindi lang talaga siya visible ngayon sa showbiz na naging simula nang pagkalat ng chismis.

“Siguro siyempre dahil hindi rin ako masyado visible ngayon sa TV. Maybe they’re thinking na baka I’m trying to move or whatever. I don’t know. Basta I’m taking it day by day,” sabi pa ni Jessy.

Ngayong maraming oras sa sarili, tutok muna ngayon si Jessy sa kanyang vlog at bagong bukas na online business kung saan nauubos ang kanyang oras araw-araw.

“I’m more focused now on my vlog and my business at least at the same time nakikita pa rin ako ng mga tao. Maybe that’s why iniisip nila na lilipat ako kasi hindi ako nakikita sa TV masyado,” kuwento pa niya.

Pinasalamatan din ni Jessy ang boyfriend na si Luis Manzano na todo suporta sa pagbibigay inspirasyon sa kanyang mga bagong pinagkakaabalahan.

“Am I okay with this na hanggang dito na lang ba ako? So he made me question myself na kaya ko pa ba lagpasan kung ano ang meron ako at that time,” pahayag ni Jessy.

Simula April 10, mapapanuod ang Stranded ni Jessy Mendiola kasama si Arjo Atayde.