• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Welcome to the club!’: Ara Mina proud sa pagiging single mom ni Cristine Reyes

‘Welcome to the club!’: Ara Mina proud sa pagiging single mom ni Cristine Reyes

Umamin si Cristine Reyes na ‘civil’ sila ng asawa na si Ali Khatibi.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/28/2019 11:53 AM
‘Welcome to the club!’: Ara Mina proud sa pagiging single mom ni Cristine Reyes


Present si Ara Mina sa red carpet premiere ng pelikulang Maria ng VIVA films kung saan bida ang kanyang kapatid na si Cristine Reyes.

Dito, pabirong sinagot ni Ara ang kanyang suporta sa kapatid na si Cristine na dumadaan ngayon sa pagsubok pagdating sa buhay may asawa nito.

READ: Cristine Reyes posts prayer for marriage with Ali Khatibi

“Welcome to the club!” masayang tugon ni Ara sa panayam ng entertainment press.

“Masaya maging single mom,” aniya pa.

“Idol niya talaga ako,” dagdag pa ni Ara.

Kuwento ni Ara, mas naging close sila ngayon ni Cristine at bilang ate, labis labis ang suporta nilang pamilya para sa kapatid.

“Oo siyempre naiintindihan ko before buhay may asawa. Hindi naman all the time mabibigay ‘yung time sa amin. Ngayon, mas may time kahit busy siya. Nakikipag-connect siya ganun,” sabi pa ni Ara.

“Basta at least, suwerte nga siya may ate siya eh. May mga older sisters na siya kasi noon ako ang panganay, so mag-isa kong (hinarap) sinalag ang mga intriga. Eh ngayon may mga kapatid siya na taga-salag din, taga-confirm ng mga balita,” masayang sagot niya.

Kung ilalarawan naman ang katapangan ni Cristine ngayon sa buhay, masasabi ni Ara na mas matapang ang kanyang kapatid kaysa sa kanya sa pagharap sa mga kontrobersya.

“Magka-iba kami ng tapang eh. Kumbaga ‘yung heart niya may shield na para ma protektahan na ang kanyang puso at hindi pa masaktan pa ng iba,” pahayag pa ni Ara.