Sarah Geronimo, nagbigay patikim sa bagong pelikula

Love for animals daw ang tema ng bagong proyekto ni Sarah Geronimo.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/28/2019 10:26 AM
Sarah Geronimo, nagbigay patikim sa bagong pelikula


Photo credit: @isgfan on Instagram

Nagbigay update ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa kanyang bagong pelikula sa ilalalim ng direksyon ni Jun Lana.

Ayon kay Sarah, under revision ngayon ang script na iikot ang kuwento sa pagpapakita ng pagmamahal sa alagang hayup.

“We are finalizing the script po mas pinapaganda pa ayun po kailangan po maganda po kasi talaga eh. It's a story that will move our hearts our souls siyempre yung kahalagahan din ng mga hayop,” sabi ni Sarah.

Bukod sa bagong pelikula, nagpasalamat din si Sarah sa naging nominasyon niya sa Famas awards para sa pekikulang Miss Granny.

“Maraming salamat po para sa nomination napakalaking karangalan po ma-nominate, yun lang ok na ako,” pahayag pa ng singer.

Sa ngayon, excited na ang mga fans ni Sarah na muli siyang mapanood sa pelikula man o concert ngayong 2019.