Ogie Alcasid, may bagong adbokasiya sa Mutya ng Pilipinas

Bahagi ng Board of Directors si Ogie Alcasid katuwang ang bagong Chairperson ng 50-year-old beauty pageant.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/28/2019 11:56 AM
Ogie Alcasid, may bagong adbokasiya sa Mutya ng Pilipinas


Isa ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid sa mga magiging bahagi ngayon ng muling pagbubukas ng isa sa mga longest-running beauty pageants sa bansa, ang Mutya ng Pilipinas.

Bahagi si Ogie ng board of directors kung saan katuwang siya ng bagong Mutya ng Pilipinas President na si Cory Quirino.

 

“I’m one of the Board of directors, I’m handling ‘A Team’ my own production for the pageant and for the Gala night, so ‘yun ang involvement ko. I’m helping Cory Quirino and Fred Yuson to established their vision for Mutya ng Pilipinas,” aniya sa panayam ng PUSH at ABS-CBN News.

Aminado si Ogie na bagong hamon para sa kanya ang pageant scene na ang pangunahing layunin ay makatulong sa mga aspiring Pinay beauty queens.

“More than anything, it’s a huge challenge. Kami naman andito para tumulong, but now that we’re part of the team, sisiguraduhin natin na magiging very productive ‘yung search natin and at the same time makatulong din tayo sa mga kababaihan natin na may pangrap sa buhay,” sabi pa niya.

Dahil kilalang mang-awit, isa din sa hinahanap ngayon ni Ogie ngayon sa screening ng Mutya ng Pilipinas ang aspiring singer.

“Since at the same time I’m in the OPM industry also, malay natin mayroong mga singer din dito na mahilig kumanta we will help them also,” pahayag pa ni Ogie.

Simula ngayong Abril, magsisimulang lumibot sa bansa ang Mutya ng Pilipinas para hanapin ang tunay na gandang Pilipina.