• Home
  • Fresh Scoops
  • Janella Salvador, ayaw muna magkaroon ng panibagong love team

Janella Salvador, ayaw muna magkaroon ng panibagong love team

Janella Salvador: ‘I’m going to have to stay away from the love team notion muna.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

3/28/2019 8:37 AM
Janella Salvador, ayaw muna magkaroon ng panibagong love team


Sa ulat ni MJ Felipe sa TV Patrol, katulad ng bagong single ni Janella Salvador na “Taking It Easy,” taking it easy din daw muna siya sa pagbabalik niya sa showbiz. 

LOOK: Janella Salvador releases new single

Ito ay matapos ang matagal-tagal na pagkawala ni Janella sa limelight matapos ang controversial breakup ng love team nila ni Elmo Magalona. Ani Janella tungkol sa pinagdaanan niya, “got to a point na nawalan ako ng confidence sa sarili ko. I got depressed, I did. I went through a lot. Broke me in many ways. But then after a while, I realized no one else can fix me but myself.”

Malaki ang pasasalamat ni Janella sa suporta ng pamilya at looking forward din siya sa paggawa ng bagong teleserye. Pero hindi pa daw ready si Janella na magkaroon ng bagong love team. “Not right now. I’m willing to work with different actors [and] actresses but I guess I’m going to have to stay away from the love team notion muna. People may get very attached when it’s a love team. And I don’t think I’m ready for that again,” ani Janella. 

WATCH: https://push.abs-cbn.com/2019/3/6/videos/janella-salvador-on-working-with-elmo-magalona-a-203901 

Natawa rin si Janella nang aminin niya na based on experience ang sinasabi niya. 

Hindi rin daw totoo na nililigawan siya ni Marco Gumabao. Ayon sa dalaga, “We’re friends. We’re friends talaga… maraming tao nun e. Nag-usap kami about it. We’re like, ‘Oh my god.’” Giit niya sa kumalat na picture nila ni Marco, “It wasn’t a date.”

WATCH: Janella Salvador speaks up on issue with Marco Gumabao for the first time

Single daw ang status ngayon ni Janella at focused muna siya sa pagbabalik trabaho.