• Home
  • Fresh Scoops
  • Dating domestic helper na PBB housemate, may panawagan kay Coco Martin

Dating domestic helper na PBB housemate, may panawagan kay Coco Martin

PBB Otso housemate Mary Grace Lagos, may panawagan kay Coco Martin.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/28/2019 8:45 AM
Dating domestic helper na PBB housemate, may panawagan kay Coco Martin


Photo credit: @mr.cocomartin on Instagram (R)

Masayang ikinuwento ni Pinoy Big Brother Otso housemate Mary Grace Lagos kay King of Talk Boy Abunda kung paano sila nagkakilala ng kanyang boyfriend dahil sa sayaw na “Jontra.” Ang Jontra ay isang sayaw sa Balut island sa Davao Occidental kung saan nagmula si Mary Grace.

Ayon kay Mary Grace habang nagpapa-sample ng sayaw na Jontra, “Dito ko na-meet yung boyfriend ko, sa sayaw na ‘to. Nakaupo ako, Tito Boy, nung nilapitan ako ng boyfriend ko… siyempre bet ko din siya kasi basketball player, tumayo [ako]. Dun na kami nag-start ng sayaw.”

Nang tanungin ni Boy kung bakit hindi na siya nag-antay na makalapit si Kaiser (na boyfriend na niya ngayon) bago siya tumayo, ang sagot ni Mary Grace ay, “Choosy pa ba tayo? Walang karapatan maging choosy, Tito Boy.” 

Habang sumasayaw ay sinabihan daw siya ni Kaiser na ang ganda niya. Paliwanag ni Mary Grace, “Sexy pa kasi ako dati, Tito Boy…” 

Two months siyang niligawan ni Kaiser bago naging sila. Kuwento pa ni Mary Grace, pangarap nilang makasal ni Kaiser. Pero bago yun, may mga plano pa sila. “Nagpatayo na kami ng bahay pero di pa tapos. Plano namin yun. Sabi namin magpapakasal kami kapag tapos na lahat ng mga dreams namin. Especially sa pamilya niya, Tito Boy. Kasi panganay siya, breadwinner siya. Gusto kong patapusin niya lahat ng kapatid niya bago ako.”

Para naman sa future plans niya, kung maari ay ayaw na ni Mary Grace maging domestic helper muli.  “Ayaw ko nang mag-domestic helper, Tito Boy, kung pwede lang di ba? Napasma na ‘tong kamay ko… kung may offer ng showbiz, baka di ba… kahit patayin lang ako sa SOCO, puwede na ako e.”

May panawagan din siya sa idol niyang si Coco Martin. “Mananawagan ako kay Coco Martin, (na maging) taga-luto ng mga rebelde kasi magaling ako magluto.”