Cristine Reyes, handa nang kainisan sa bagong karakter

Inamin din ni Cristine Reyes na bahagi pa din si Ali Khatibi sa pagpapalaki sa anak nilang si Amarah.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/28/2019 12:00 PM
Cristine Reyes, handa nang kainisan sa bagong karakter


Nagsisimula nang kainisan ang karakter ni Christine Reyes sa bagong teleserye na Nang Ngumiti Ang Langit kung saan magpapahirap siya sa isang paslit.

Kuwento ni Cristine, handa na din siyang kainisan ng madla dahil sa kanyang bagong karakter.

“Marami ako nakikita na nagre-retweet ng mga stories, so I guess ano positive naman yung feedback nila,” masayang tugon niya.

Kung kontrabida sa telebisyon, mapapanuod naman bilang astigin na babae si Cristine sa pelikulang Maria.

Aniya isa ito sa mga dream role niya kaya hindi naging mahirap sa kanya ang pagsabak sa aksyon.

“I think I’m more open to accept more challenging roles, yun lang. I’ve been in this business for 15 or 16 years almost doing the same thing—drama, comedy, horror. And this is the first time na makikita nila ako doing an action film,” sabi pa ni Cristine.

At bilang nanay naman sa kanyang anak ka si Amarah, naibahagi ni Cristine ang bonding nilang mag-ina sa araw-araw kung saan bahagi pa din ang kanyang mister na si Ali Khatibi.

“Ganun naman lagi ang routine namin eh, school siya, gym ako. Tapos, susunduin ko siya ulit kapag wala ako work (Press: pero paano kapag may work?) Driver or si Ali,” pahayag ni Cristine.