Bea Alonzo admits having thoughts of quitting showbiz twice

Nagbigay din si Bea Alonzo ng tips para sa mga bagong aktres sa showbiz industry ngayon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/28/2019 3:33 PM
Bea Alonzo admits having thoughts of quitting showbiz twice


Sa bagong episode ng PUSH Bets Live kasama si Bea Alonzo, inamin ng Eerie actress na dalawang beses na niyang naisip na mag-quit sa show business. 

"Talagang darating ka [doon] na mabu-burn out ka. Actually, hindi na ‘yung process of acting na ‘yung nakaka-burn out eh. It's the system also, siyempre di ba may mga bagay - hindi naman walk in the park all the time yung trabaho natin, di ba?" pag-amin ni Bea.

"Kapag nangyayari sa akin ‘yon, bumabalik ako doon sa bakit ko siya ginagawa, bakit ako nandito, bakit ako inilagay sa posisyon kung nasaan ako," dagdag ng aktres na aminadong ilang beses na rin humingi ng senyales kung dapat pa ba niyang ipagpatuloy ang pag-aartista.

 

Halos 18 years na ang nakakaraan nang mag-umpisa ang career ni Bea sa show business sa ilalim ng Kapamilya network. Kaya nang tinanong siya kung ano ang maibibigay niyang advice para sa mga bagong aktres ng henerasyon ngayon, aniya, "I can't say kung ano ang secret kasi hindi ko rin alam eh. Pero siguro mag-uumpisa doon sa mahalin mo muna ‘yung ginagawa mo. You have to be fulfilled. You also have to have that passion for the craft."

Samantala, sa parehong episode din ay sinabi ng aktres na wala pa silang napag-uusapang plano ng boyfriend na si Gerald Anderson para sa Summer break.

"Wala pa, hindi kami nakakapag-plano kasi ngayon nasa Japan siya, may ginagawa silang pelikula kasama si Julia Barretto. And then ako nga ginagawa namin itong [promo ng] Eerie.”

"So hindi pa namin napag-uusapan kung saan kami pupunta. Pero sana beach," kwento ni Bea.

Bida si Bea sa bagong horror movie ng Star Cinema na Eerie kasama sina Charo Santos, Jake Cuenca at Maxene Magalona at mula sa direksyon ni Mikhail Red. Kasalukyan ito ipinapalabas sa mga sinehan sa Pilipinas at sa iba pang mga bansa sa Southeast Asia.