• Home
  • Fresh Scoops
  • Kaye Abad, inaming ‘very sugar mommy’ noon kay John Lloyd Cruz

Kaye Abad, inaming ‘very sugar mommy’ noon kay John Lloyd Cruz

Kaye Abad, may kuwento tungkol sa ‘first love’ niyang si John Lloyd Cruz

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/27/2019 12:03 PM
Kaye Abad, inaming ‘very sugar mommy’ noon kay John Lloyd Cruz


Photo credit: @johnlloydcruztm on Instagram (R)

Sa kanyang first interview sa Tonight with Boy Abunda, binalikan ni Kaye Abad ang kanyang nakaraan with John Lloyd Cruz. Kuwento ni Kaye, first love at first boyfriend niya ang actor. Ito yung mga panahong magkasama sila sa Tabing Ilog. Nang tanungin kung ano ang gusto niya kay Lloydie, sinabi ni Kaye na, “Personality niya… he was my first boyfriend. First love.”

READ: Has Kaye Abad crossed paths with ex-boyfriend John Lloyd Cruz in Cebu?

Kuwento pa ni Kaye, hinahatid niya noon si Lloydie mula sa Laguna kung saan nila tine-tape ang Tabing Ilog. “Simple lang yung buhay ni John Lloyd before. Wala silang sasakyan. I live in Cavite. Ihahatid ko siya… (from)Laguna, ihahatid ko siyang Pasig saka ako uuwi ng Cavite,” ani Kaye. Natatawang tawag ni Kaye sa sarili niya, “very sugar mommy.” 

Alam din daw niya noon na magiging magaling na aktor si Lloydie. “Yes. Sa aming lahat sa Tabing Ilog, siya yung nakitaan ko talaga ng malalim ‘pag umarte. Yung natural. May nakukuha ako sa kanya na emosyon na totoo. So nakita ko na sisikat ‘to…iiwan ako nito, magla-love team ‘to ng iba.” 

Dagdag pa ni Kaye, “Bumea Alonzo e. Naligwak ako. Mestiza e. Naiwan si Eds sa Tabing Ilog.” Proud din daw siya sa narating ni John Lloyd, “oo Tito Boy sa lahat, even kay Jodi (Sta. Maria) nakaka-proud.”

Hindi na rin daw madalas ang kulitan nila ng cast ng Tabing Ilog, pero nagkakamustahan pa naman sila. “Bilang may iba’t iba na kaming buhay, hindi na siya kasing dalas as before yung kulitan. Kamustahan yes, especially with Patrick (Garcia) kasi magkumpare kami… and I’m friends with his wife.”

READ: Sino ang gustong gumanap ni Kaye Abad kung magkaka-remake ang ‘Tabing Ilog’

May nagtanong din daw kay Kaye kung bakit hindi siya ninang ng anak ni John Lloyd at Ellen Adarna. Kaya naman tanong din ni Kaye, “John Lloyd, Ellen… bakit?” pagbibiro ni Kaye, “Paul Jake is friends with Ellen. Siguro dahil alam nilang kuripot ako, na wala akong mabibigay sa anak nila…”