• Home
  • Fresh Scoops
  • Aiko Melendez, nag-react sa mga netizens na nagsasabing drug user siya

Aiko Melendez, nag-react sa mga netizens na nagsasabing drug user siya

Laban sa pulitika ang dahilan kung bakit pinagbigintangan na drug user daw siya ayon kay Aiko Melendez.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/27/2019 10:28 AM
Aiko Melendez, nag-react sa mga netizens na nagsasabing drug user siya


Photo credit: @aikomelendez on Instagram

Inamin ni Aiko Melendez sa pakikipag-chat niya sa amin sa Mesenger na totoong masalimuot ang buhay niya ngayon at meron siyang pinagdadaanan.

Obviously, ang tinutukoy dito ni Aiko ay tungkol sa mga malisyosong komento ng ilang netizens na nag-aakusa sa kanya na isa siyang drug user.

Nabasa namin ang ilan sa mga below the belt na comments bago ito nawala sa Facebook at talagang grabe ang pagbanat nila kay Aiko.

Idinawit ang pangalan ni Aiko sa isyu ng drugs dahil sa paglabas ng Narco list kung saan nasa listahan ang boyfriend niyang si Subic Mayor Jay Khonghun na tumatakbo ngayon bilang vice governor ng Zambales.

“Iba talaga ang politics. Sobrang dumi. Gagamitin nila ang kahit anong isyu para lang pabagsakin ka ng kalaban mo,” bulalas ng aktres.

Nag-post din si Aiko sa kanyang social media account ng photo ng kanyang drug test na ayon sa kanya ang ginagawa niya taun-taon para ipakita ang pagiging magandang halimbawa bilang isang celebrity.

“Eto!!!! Drug user yan? Ipapakita ko pa yung iba,” caption niya.

Post ulit niya, “Yung mga nagkokomento na akala mo alam ang totoo maghinay-hinay kayo. Stick sa issue. Pwede ko kayo kasuhan. Just reminding you!”

Last Saturday, March 23, ay nagkaroon ng thanksgiving dinner si Aiko kasama ng ilang malalapit na entertainment writers. Dinaluhan ito ng kanyang boyfriend, mga anak at ilang kaibigang artista.

“In life when you go thru a lot of storms, God promised there’ll be Sunshine. Literally and figuratively speaking. He gave me a friend like hers. I love you sis @sunshinecruz718. Salamat di ka nawala ever for me. I am blessed to have a sister like you,” pasasalamat niya kay Sunshine na dumating sa event para magpakita ng suporta sa kanya.

Sagot naman ni Sunshine, “A good friend is like a star. You don’t always see them but you know they’re always there. Sis @aikomelendez grateful for the friendship. You know I’m always here for you.

“Congratulations for another best supporting actress award. I’ve seen Rainbow’s Sunset and as always napakahusay mo. May God bless you more sis. I love you!”