• Home
  • Fresh Scoops
  • Toni Gonzaga, pinagkasya ang P1,000 sa isang tiangge sa Taytay

Toni Gonzaga, pinagkasya ang P1,000 sa isang tiangge sa Taytay

Toni Gonzaga went around Taytay, Rizal to shop.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/26/2019 10:54 AM
Toni Gonzaga, pinagkasya ang P1,000 sa isang tiangge sa Taytay


Screenshot from Celestine Gonzaga-Soriano YouTube video

Sa latest vlog ni Toni Gonzaga ay kanyang ipinakita na nag-ikot siya sa Taytay, Rizal kung saan sikat din ang lugar dahil sa mga murang damit sa mga tiangge.

May budget lamang na P1,000 si Toni at aminado siyang mahirap na rin maubos ito dahil napakaraming mapagpipilian sa tiangge.

Sina Toni ay taga-Taytay at nang bisitahin nila ni Seve ang kanyang magulang ay namili siya ng mga damit.

“Sana pag tumawad tayo, payagan tayo,” aniya.

Nang makabili na si Toni ng damit para kay Seve at gown at skirt naman para sa kanya ay hindi na niya alam kung saan gagastusin ang kanyang natirang pera dahil “madaming magaganda.”

“Mahihirapan ka na pumili kasi ang daming choices.”