Sofia Andres, nag-kuwento sa kanyang buhay pag-ibig

Ipinagmamalaki ni Sofia ang kanyang bagong inspirasyon na si Daniel Miranda.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/26/2019 1:34 PM
Sofia Andres, nag-kuwento sa kanyang buhay pag-ibig


Photo credit: @iamsofiaandres on Instagram

Blooming at in love ngayon ang Kapamilya star na si Sofia Andres nang nakapanayam ito ng entertainment press sa isang Kapamilya gathering.

Kuwento ni Sofia, dahil ito sa mas simple at payapa niyang buhay pag-ibig ngayon sa isang race car driver  na si Daniel Miranda.

“Liberating siya, very comfortable kami with each other, ‘yun naman po ang importante,” sabi ng aktres. 

“Mas okay po eh, kasi hindi sila uma-acting kumbaga mararamdaman mo kapag umaarte sa ‘yo o hindi eh, I mean ‘pag nagsisinungaling ‘di ba?,” pagbibiro pa niya.

Pagmamalaki ni Sofia, mabait at naipakilala na nila ang bawat isa sa kanilang mga magulang.

“Mabait po ang family niya and mabait din po siya, so wala po kaming problema at hindi din po siya chcik-boy haha,” proud na sabi ng dalaga.

Kahit non-showbiz ang kanyang inspirasyon ngayon, todo pa din daw ang suporta nito sa kanyang trabaho bilang isang TV personality.

“Opo naman sobra (supportive). Siya naman din, super busy with his schedules kasi ang school niya sa ibang bansa,” pahayag pa ni Sofia.

Sa ngayon, abala si Sofia sa isang inihahandang series na mapapanood sa IWant.