Elisse Joson, break muna sa pagtanggap ng manliligaw?

Nilinaw ng aktres ang mga usap-usapang malapit siya sa mga nakatambal na sina Jameson Blake at Kit Thompson.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/26/2019 1:44 PM
Elisse Joson, break muna sa pagtanggap ng manliligaw?


Photo credit: @elissejosonn/ @hashtag_jameson/ @kitthompson on IG

Binigyang linaw ng Kapamilya star na si Elisse Joson ang tila namumuong chismis sa pagmamabutihan nila umano ng Hashtag member at aktor na si Jameson Blake.

Kasunod ito nang pagiging close ng dalawa nang maging magka-trabaho sila sa dating Kapamilya series na Ngayon at Kailanman.

“Friends po kami ni Jameson, naging close po kami dahil po doon sa ‘Ngayon at Kailanman’ kami ‘yung nakakapagkuwentuhan, hanggang ngayon po nakakapag-usap po kami, nagkikita  kami, friends kami,” aniya sa panayam ng press.

Bukod kay Jameson, isa pa sa nadidikit ngayon kay Elisse ang former Pinoy Big Brother teen housemate na si Kit Thompson na minsan din nakasama ng dalaga sa Maalaala Mo Kaya.

Matatandaan na umani ng papuri mula sa netizens ang naging pagtatambal nina Kit at Elisse dahil nakitaan ng magandang chemistry ng dalawa.

“Si Kit po, masaya siyang ka-work pero noon lang po kami nagka-work together, sana hopefully magtagpo ulit kami sa isang project,” sabi pa ni Elisse.

At kahit iba-ibang pangalan ngayon ang nadidikit sa kanya, paglilinaw ni Elisse, “Wala po munang manliligaw, parang break muna po ako sa mga (ma)sakit sa puso,” masaya niyang tugon sa press.

Para sa young aktres, isang hamon din para sa kanya na mas makilala pa maigi ang sarili matapos ang naging hiwalayan ng kanilang tambalan ni McCoy De Leon.

“Well masasabi ko po it’s new for me, kasi nga po parang nasanay din ako na may long-time partner, siguro mga two years akong may partner, so ngayon challenge kasi it’s something new pero, kaya naman po and nag-e-enjoy ako nakikilala ko din po ang sarili ko ngayon,” pahayag niya