DJ Chacha, inaming pinagselosan ng fiancé si Ted Failon

DJ Chacha, sinagot kung ano ang totoong relasyon nila ni Ted Failon.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/26/2019 11:10 AM
DJ Chacha, inaming pinagselosan ng fiancé si Ted Failon


Sa Tonight with Boy Abunda, matapang na sinagot ni DJ Chacha Balbas ang mga lalaki issues na ibinabato sa kanya. Una, may binigyan daw siya ng kotse na hindi naman niya boyfriend. Ayon kay Chacha, totoo ang issue na ito dahil kabibigay lang niya ng kotse sa Daddy niya na nag-celebrate ng 61st birthday kailan lang. “61st birthday niya last weekend, tapos nung nakita ko yung reaksyon ng tatay ko, sobrang priceless, hindi siya nakapagsalita,” ani Chacha. 

Pangalawang issue ay hindi diumano matutuloy ang kasal niya sa kanyang fiancé na si Mike Guevara dahil sa broadcast journalist na si Ted Failon. Nakakasama ni Chacha si Ted sa programang Failon Ngayon sa DZMM. Sagot dito ni Chacha, “di po totoo, tuloy na tuloy po ito mga Kapamilya.” Ganunpaman, hindi naman kinaila ni Chacha na “hot” si Ted. “Habang tumatagal mas huma-hot talaga siya… kasi araw-araw siya nagdyi-gym,” ayon kay Chacha.

READ: DJ Chacha shares how fiance Mike Guevara proposed to her

Paliwanag pa niya, “siguro kaya kami nai-issue kasi parang natural din kasi yung conversation namin sa DZMM… Pero kung makikita niyo lang kami off the air, he’s really like a second father to me kasi grabe siya mag-mentor.” 

Sinasabi din daw ni Chacha sa fiancé niya na, “’pag niloko mo’ko si Ted Failon talaga dyo-jowain ko… Panakot ko talaga yan sa kanya…”

Nang tanungin naman ni host Boy Abunda kung ano ang reaksyon dito ni Ted, ang pabirong sagot ni Chacha ay, “wala naman, natatawa lang siya pero feeling ko baka i-push niya rin.” 

Hindi na rin daw nagseselos ang fiancé niya kay Ted, pero last December daw ay pinagselosan nito si Ted dahil sa paghatid nito kay Chacha. Kuwento ni Chacha tungkol sa paghatid ni “Manong Ted” sa kanya. “Pinaupo niya yung driver sa likod at pinagbukas ako ng pinto… dalawa kami para talagang mag-jowa. So hinatid ako sa bahay, pinagbukas pa uli ako ng pinto, hinatid ako hanggang sa elevator…”

Hindi naman daw pinalaki ng fiancé niya ang issue, pero nakita niya sa mukha nito ang selos. 

Marami mang umiintriga, alam na alam naman ni Chacha kung bakit “the one” na para sa kanya ang kanyang fiancé. “Because he always sees the good in everyone… walang masamang tinapay sa kanya. Because of him gusto ko ring maging mas mabuting tao. Aside from that, alam ko mahal na mahal niya talaga yung anak ko.”