• Home
  • Fresh Scoops
  • Carlo Aquino, willing nga ba makatrabaho ulit si Angelica Panganiban?

Carlo Aquino, willing nga ba makatrabaho ulit si Angelica Panganiban?

Huling nagkatrabaho ang dalawa sa katatapos lang na daytime series na Playhouse.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/26/2019 11:29 AM
Carlo Aquino, willing nga ba makatrabaho ulit si Angelica Panganiban?


Iwas at matipid ang naging mga pahayag ng aktor na si Carlo Aquino sa usapin na tila hindi nila naging pagkakaintindihan ng Kapamilya star na si Angelica Panganiban.

Matatandaan na naging mainit na usapin sa social media ang mga naging hugot ni Angelica sa kanyang mga tweet na di umano ay patama raw sa kanyang nararamdaman para sa mga bumabatikos sa kanila ni Carlo.

 

 

Ayon kay Carlo, “Nagte-text kami every now and then,” matipid niyang sagot sa panayam ng entertainment press nitong weekend sa opening ng Beautederm store kung saan siya ang special guest.

READ: Angelica Panganiban confirms she and Carlo Aquino are not on speaking terms

Aniya, hanggang text lang sila ngayon at hindi pa nagkakaroon ng pagkakataon na magkita muli. “Hindi pa kami nagkikita mula ng matapos ang Playhouse. Hanggang text lang muna,” sabi pa niya.

Kung tanungin naman kung willing nga ba siya na makatrabaho muli si Angge, sagot ng aktor, “Oo naman, why not.”

Sa ngayon, focus muna sa sari-sariling mga proyekto sina Carlo at Angelica na huling nagkasama sa nagtapos na daytime series na Playhouse.