• Home
  • Fresh Scoops
  • Balladeer Richard Reynoso posibleng hindi na makakanta pagkatapos ng thyroid operation

Balladeer Richard Reynoso posibleng hindi na makakanta pagkatapos ng thyroid operation

Ayon sa naging pahayag ng singer, may nakitang cancer cell sa kanyang nodule ang doctor at malignant na ito kaya kailangan na siyang operahan.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/27/2019 7:46 AM
Balladeer Richard Reynoso posibleng hindi na makakanta pagkatapos ng thyroid operation


Photo credit: Richard Reynoso's Facebook

Successful ang thyroid operation ng balladeer na si Richard Reynoso na ginanap sa Cardinal Santos Hospital nung March 24.

Ayon sa naging pahayag ng singer, may nakitang cancer cell sa kanyang nodule ang doctor at malignant na ito kaya kailangan na siyang operahan.

“Sa biopsy, lumalabas sa nodule, may expected cancer cell at sabi rin ng doctor, kinonfirm na rin niya na it’s malignant,” pahayag ni Richard sa kanyang Facebook Live.

Aware din ang nagpasikat ng mga  kantang "Paminsan-minsan," "Hindi Ko Kaya," at "Ale" na posibleng maapektuhan ang kanyang voice box after the operation.

“I know for a fact na kahit papaano makakapagsalita ako but Im not really sure if I could still sing the way I am singing now.

“May isang nerve pa kasi sa likod ng lalamunan that would affect the pitch, so yung buong structure nung singing voice mo and all ay maapektuhan,” pag-amin ng singer.

After the operation ay nag-post naman agad si Richard ng update.

“Halehalehoy! It was a successful operation. Dr. Rene Chan and his group did a fantastic job. It took them 6 hours kasi iningatan talaga nila na walang tamaang nerves habang tinatanggal yung thyroid. No lymph nodes present kaya di pa kumakalat yung cancer cells. No hoarseness sa boses ko. Medyo mahapdi lang lumunok but tolerable naman.

“Maraming maraming salamat po sa inyong lahat.  In a month or two, we'll see how my singing voice turns out.”

Bago operahan ay nag-upload din ang singer sa kanyang FB account ng isang song na ayon sa kanya ay posibleng maging “last song” na rin niya.

“Galing sa Diyos ang talentong ipinahiram niya sa akin. Buong puso kong ibinabalik sa Kanya kung Kanya mang kukunin.

“Gusto ko lang umawit ng isang pang hirit bilang pagpapasalamat pa rin sa Kanya sa lahat ng biyaya at sa pagkakataong mapaligaya ko kayo, mga minamahal kong kaibigan,” post pa niya.