Lassy, pinuri ang kabaitan ni Vice Ganda

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/25/2019 8:15 AM
Lassy, pinuri ang kabaitan ni Vice Ganda


Regular na kabatuhan ng mga punchlines ni Vice Ganda si Lassy mapa-TV man, o sa comedy bars. 

Kaya naman nang magkaroon ng pelikula na hindi kasama si Vice, labis pa din ang pasasalamat ni Lassy sa mga naitulong sa kanya ng Unkabogable Star.

“Nagpapasalamat ako kay Meme Vice, kasi isa siya sa mga talagang nag push sa akin para makapasok dito sa industriya. Si Vice kasi nandoon talaga ang suporta nya sa akin bilang kapatid niya, kasamahan sa trabaho, at isang bff,” kwento ni Lassy.

Dagdag pa niya, hindi niya makakalimutan ang concern na ipinapakita ni Vice para sa kanya.

“Nang una ako gumawa ng pelikula na wala siya, lagi siya nakaabang kung ano nangyayari sa akin. 'Yung ganun parang nanay pinapanood, tinitignan yung anak niya kung ano ang ginagawa,” pahayag pa ni Lassy.

Kasama si Lassy sa pelikulang Papa Pogi na showning na ngayon sa mga sinehan, pati na rin sa Two Love You, na isang upcoming romantic comedy movie.