• Home
  • Fresh Scoops
  • Gretchen Barretto, makikipag-ayos na din ba sa kapatid na si Marjorie Barretto?

Gretchen Barretto, makikipag-ayos na din ba sa kapatid na si Marjorie Barretto?

Marami ang nagsasabing sana magkaayos na din si Gretchen Barretto at kapatid niyang si Marjorie, tulad ng pagkikipagbati niya kay Claudine kamakailan lang.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/24/2019 9:36 AM
Gretchen Barretto, makikipag-ayos na din ba sa kapatid na si Marjorie Barretto?


Image credit: marjbarretto (L) juansarte (R)

Matapos ang ilang pasabog na komento nitong nakaraang linggo tungkol sa kanyang pamangkin na si Dani Barretto at kwento sa pagbabati nila ng kapatid na si Claudine Barretto, pinaunlakan naman ni Gretchen Barretto ang isang interview sa programang OMJ! sa DZMM at nagsalita tungkol sa relasyon naman nila ng kanyang kapatid na si Marjorie.

"May kasabihan na 'never say never' pero allow me or indulge me. Gusto kong sabihin with regards to Marjorie, never, simply because I value my life, my mental health, my peace and my finances," bungad nito.

"I am not ready and I don't think I will ever be for Marjorie. She has become so toxic in my life. I would not stop loving her but I also love myself, I also love my family," patuloy pa ni Gretchen.

Binanggit din ni Gretchen na kahit nakipag-ayos na siya sa bunsong kapatid, hindi pa siya handa para makausap si Marjorie at kanilang buong pamilya.

"I'm not ready and I don't think I'll ever be ready, to be ok with them. Because pag sinabi niyo 'pinagdadasal po namin Ms. Gretchen na maging ok kayo with the rest of the family, 'wag ho niyo idasal yun kasi di ko po yun kaya, mentally, emotionally. Hindi ko po kaya.

"Right now I am happy where I am. I am happy with Claudine, I am happy with her children and that's all I want," sabi pa niya.

Sa tanong na kung tinatapos na ba niya ang relasyon sa kanyang pamilya, mabilis na sagot naman ng aktres, "Hindi sa tinatapos, it's just that may kasabihan responsibilidad natin ang sarili nating mental health, emotional health, yung state natin, what we feel. And I feel I am most at peace without Marjorie and without the rest, the one that you are mentioning.

"I am ok, I feel this sense of freedom that I can be myself without being blamed for the life that I need, the life I enjoy. I cannot live a life where the people I supposedly love, will keep on judging me -- tignan mo yan, ito mga kotse, ito mga bahay, ito mga ginagamit, tapos kami ganito. I cannot be crucified for the life that I live and for the things that I have. Bakit ako sasama sa mga taong they need to own what I own? You know what I mean?" paliwanag ni Gretchen.

Patuloy pa niya, "For the past so many years I have found refuge, comfort and a lot of love. I feel so great with the people I am with and they are not blood related at all. And they don't need my money, they don't need anything from me except me, just me, kasi ok lang kami. Ayoko yung pinapanood parate yung anong ginagawa ko, kung anong meron ako at anong pwedeng makuha sa akin. Parang I never feel safe. I want to feel safe."

Sa relasyon naman nila ng kanyang naka-babatang kapatid, wala na daw mahihiling pa sa ngayon si Gretchen.

"Eh si Claudine? Claudine doesn't need anything. 'Pag binigyan ko siya ng a little something, wala nang tigil ang pagreregalo sa kanya. And I told her, 'Babe I am not used to the gifts that you shower me. Ikaw lang ang nagbibigay sa akin, aside from Dada, who gives me everything, and Dominique. Other kasi they give me tokens but with Claudine she showers me of everything that I like. Parang natutunaw ako, nahihiya ako kapag nireregaluhan ako ng gamit kasi ako, yun ang love language ko kasi, pagmahal kita, reregaluhan kita. 'Pag nalaman kong gusto mo ng cookies, reregaluhan kita ng isang dosenang cookies hanggang tumaba ka at lumobo ka, ganun ako magmahal, ganun din si Claudine. Right now, Claudine and I are in synch and I am so happy. Claudine and I are going through the honeymoon stage, kaming dalawa lang and I love it."

Sa relasyon naman niya sa kanyang mga magulang, maiksi lamang ang naging tugon dito ni Gretchen.

"I think I spoke enough and a lot a few years back about my relationship with them. And right now I have been quiet, they have kept quiet  and as a sign of respect, I'd like to give them peace and I would want my peace as well. Let's leave it at that."