• Home
  • Fresh Scoops
  • Will Sarah Geronimo win her first FAMAS Best Actress award for ‘Miss Granny’?

Will Sarah Geronimo win her first FAMAS Best Actress award for ‘Miss Granny’?

Sarah Geronimo, malakas ang laban sa FAMAS Best Actress award sa paganap sa ‘Miss Granny’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

3/23/2019 11:03 AM
Will Sarah Geronimo win her first FAMAS Best Actress award for ‘Miss Granny’?


Photo credit: Viva Ent (L)

Sa ulat ni Mario Dumaual sa TV Patrol, masaya si Sarah Geronimo sa Best Actress nomination niya sa FAMAS awards 2019 bilang mahaderang lola sa Miss Granny. “Maraming salamat po para sa nominations. Napakalaking karangalan na po nun. Ma-nominate lang okay na po…”

WATCH: Push Now Na: Sarah Geronimo shares her experiences in filming "Miss Granny"

Maugong diumano na malakas ang laban ni Sarah kahit na bigatin ang mga kalaban niya sa award katulad nina Judy Ann Santos, Anne Curtis, Angelica Panganiban, Iyah Mina, Pokwang at iba pa. 

Ilang beses na ring nabigo sa nakaraang FAMAS nominations si Sarah. 

Sa komento naman ni Mario kay Sarah na, “you deserve the award,” ang sagot ni Sarah ay, “sana po.”

Nominated rin as Best Song ang Miss Granny theme song na “Isa Pang Araw,” na kinanta ni Sarah sa panulat ni Miguel Mendoza.

Kaabang-abang din ang next movie ni Sarah na may working title na Unforgettable, sa direksyon ni Jun Lana, kung saan makakapareha niya ang isang Golden Retriever dog. Ani Sarah, “We are finalizing the script. Mas pinapaganda pa, kailangan po kasi maganda talaga e..”

Hindi raw ito malayo sa personalidad ni Sarah na maraming alagang aso kasama na ang favorite dog niyang si Rio

WATCH: Sarah Geronimo, nagbigay-inspirasyon sa mga kusinera