• Home
  • Fresh Scoops
  • Jugs Jugueta at Teddy Corpuz, aminadong nagbago ang buhay dahil sa ‘It’s Showtime’

Jugs Jugueta at Teddy Corpuz, aminadong nagbago ang buhay dahil sa ‘It’s Showtime’

Pang International na ang It’s Showtime.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/23/2019 11:54 AM
Jugs Jugueta at Teddy Corpuz, aminadong nagbago ang buhay dahil sa ‘It’s Showtime’


Photo credit to the owner

Biyaheng Indonesia ngayong darating na Linggo ang It’s Showtime hosts na sina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz para pangunahan ang pilot episode ng franchise ng noontime show sa nasabing bansa.

Sa pangunguna ng mga Indonesian personalities na sina Luna Maya, Chika Jessica, Raffi Ahmad, at Leo Consul, mapapanuod ang It’s Showtime ngayong darating na Marso 25 sa MNCTV.

Bilang mga pioneer ng It’s Showtime, hindi itinanggi nina Jugs at Teddy na malaki ang nagbago sa kanilang buhay simula nang mapanuod sila sa Kapamilya noon time show.

Mapapanuod ang mga segment na unang pinasikat ng “Showtime” gaya nang “Sine Mo ‘To”, “Cash-Ya Kaya!”, “Ansabe”, “Copy Cut” at “Bida Dance”.

Ayon sa business unit head ng It’s Showtime, dumaan sa immersion ang Indonesian production para maibahagi din ang kasiyahan sa international audience nito.

“So they went here, two weeks ago, nagkaroon kami ng workshop with them, para malaman po nila ang elements ng Showtime na tatak Showtime. From the song, nag-translate sila and all of those other elements and interesting stuff about Showtime,” pahayag pa ng Kapamilya noontime show executive na si Peter Dizon.

Inaasahan na magiging maganda ang pagtanggap ng Indonesian audience sa tatak Kapamilya show