• Home
  • Fresh Scoops
  • Jaya and husband Gary Gotidoc on losing their unborn baby: ‘It made us appreciate our kids more’

Jaya and husband Gary Gotidoc on losing their unborn baby: ‘It made us appreciate our kids more’

Emosyonal na inalala ni Jaya kasama ang asawang si Gary Gotidoc ang pinagdaanan nang nakunan siya noon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/23/2019 11:41 AM
Jaya and husband Gary Gotidoc on losing their unborn baby: ‘It made us appreciate our kids more’


Emosyonal na ikinuwento ni Jaya sa mga momshie hosts kasama ang kanyang asawa na si Gary Gotidoc, ang pagkawala ng ikatlo sana nilang anak noong 2014. 

Sa episode ng Magandang Buhay noong March 22, inalala ng mag-asawa ang pinagdaanan ni Jaya mula sa gallstone removal na nagdulot ng pagkamatay ng kanilang three-month-old unborn baby.

Ayon kay Gary, napagdesisyunan nilang ipagpatuloy ang naturang surgery dahil sa sakit na nararamdaman ni Jaya, na nasa kaligitnaan din ng kanyang tour.

"The reason why I was so concerned was because of amount of pain she was in. I have never seen her like that before in my life," kuwento ng asawa ni Jaya.

Matapos ang apat na araw mula nang surgery, napag-alaman ni Jaya sa kanyang follow-up check up na wala ng heartbeat ang fetus sa kanyang sinapupunan. "Ang sakit sakit ng kalooban ko, puwede akong mag breakdown," sabi ni Jaya. 

"We prayed about it, together. And God just revealed to us that, 'be grateful with the kids you have,' so it makes us appreciate our kids more.

"The hardest part was, we were already preparing to have another baby. We're getting Dylan's (pangalawang anak) old stuff out," kuwento ni Gary na sinabing binigyan din nila ng pangalan ang pumanaw na anak, na Max. 

Dagdag ni Jaya, "Isang malaking blessing na kahit hindi man namin siya nakita, we will see Max in heaven."

Sa parehong episode, sinelebreyt ang ika-30th na anibersaryo ni Jaya sa showbiz, maging ang kanyang kaarawan. Sinorpresa din ng mga momshie hosts ang mag-asawa ng regalong wedding pictorial, bilang wala silang mga larawan nang ikinasal sa America, noong 2006.

"Wala po talaga kaming wedding picture. [Merong] isang piraso, tapos kumukupas na... 

"Salamat Magandang Buhay, kasi kayo lang ang nakaisip nito, kayo lang. [It's] not just an anniversary gift, but this is like a birthday gift, and we're going to celebrate 13 years in May. Salamat po," sabi ni Jaya.