Gretchen at Claudine Barretto, magsasama sa isang proyekto?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/23/2019 12:06 PM
Gretchen at Claudine Barretto, magsasama sa isang proyekto?


Screenshots from @claubarretto IG video

Binigyang linaw ng magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto ang maugong na balita na pagsasama umano nila sa isang proyekto.

Kasunod ito nang panunumbalik ng magandang samahan ng magkapatid matapos ang mahabang panahon.

Sa Instagram video ni Greta at Claudine, sinagot nila ang mainit na request ng kanilang mga followers na magsama sa isang proyekto.

“Nako ‘yung ate ko ayaw nang mag-artista,” ani Claudine sa tanong ng netizen.

“Pero sabi ko sa kanya, ‘Alam mo kapag ako ang kasama kailangan ko ‘yon. Bigay mo sakin ‘yun,’” patuloy Claudine.

Paliwanag naman ni Greta, “I cannot be in one screen with this girl, I don’t think may matatapos na trabaho (laughs),” sabi naman ni Gretchen.

“Baka naman kasi kapag may drama scene, tatawa kami, baka puro nalang chismis, kain, whatever,” aniya pa.

Masaya din si Gretchen para sa pagbabalik ng kapatid sa limelight. “I’m glad she’s back and I wish to see her on screen, I wish to see her working again,” proud na sinabi ni Greta.

“Right now, I value the time that we have together,” pahayag pa ni Gretchen.

Huling napanuod ni Claudine sa pelikulang Etiquette for Mistresses noong 2015 samantalang sa The Trial naman huling lumabas si Gretchen.