• Home
  • Fresh Scoops
  • Cristine Reyes reveals marriage status as being ‘civil’ with Ali Khatibi

Cristine Reyes reveals marriage status as being ‘civil’ with Ali Khatibi

Sa unang pagkakataon, nilinaw na ng aktres na si Cristine Reyes ang kasalukuyang estado ng relasyon niya sa asawang si Ali Khatibi.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/23/2019 12:43 PM
Cristine Reyes reveals marriage status as being ‘civil’ with Ali Khatibi


Photos credit: @mralikhatibi IG (R)

Nagsalita sa unang pagkakataon ang Kapamilya actress na si Cristine Reyes tungkol sa di umanong hiwalayan nila ng asawang si Ali Khatibi.

Sa episode ng Headstart ng ABS-CBN News Channel noong March 22, sinabi ni Cristine na kasalukuyang "civil" sila ngayon ni Ali. 

“We’re on good terms, especially with things we have to do when it comes to Amarah (Cristine and Ali’s daughter)," pahayag ng aktres.

Nagsimula ang isyu ng hiwalayan nina Cristine at Ali noong nakaraang taon ng Abril. Lalo pa itong napag-usapan nang burahin ng aktres ang apeylido ng asawa sa Instagram account niya noong October.

Nang tinanong ang Maria actress kung ano ang opinyon niya ngayon sa "marriage," “Ideally, it shouldn’t end, but it depends on the circumstances… But for me, if you’re not happy, you should do something about it.”

Bida sa isang action film na Maria si Cristine na ipapalabas simula March 27. 

Samantala, magsisimula na rin sa Lunes, March 25 ang bagong teleserye ni Cristine kung saan ay gaganap naman siyang kontrabida, sa Nang Ngumiti Ang Langit.