• Home
  • Fresh Scoops
  • Sikreto ng matatag na tambalan ng JaDine, ibinahagi ni James Reid

Sikreto ng matatag na tambalan ng JaDine, ibinahagi ni James Reid

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/22/2019 10:12 AM
Sikreto ng matatag na tambalan ng JaDine, ibinahagi ni James Reid


Photo credit: @james on Instagram

Matapos ang naging aminan ni James Reid at Nadine Lustre sa usapin ng kanilang pag li-live in, hindi naman nakaligtas si James nung tatanungin ang sikreto nila ni Nadine sa mas tumitibay nilang samahan.

“I don’t know. There’s no secret. We’re just real with each other,” sabi pa ni James.

Tatlong taon na ngayon sina James at Nadine simula nang aminin nila ang kanilang relasyon noon sa pagtatapos ng hit primetime teleserye nila na On The Wings Of Love kung saan mas lumalim pa ang kanilang pagtitinginan.

Kuwento ni James, masasabi niyang isa din sa sikreto nila ang palagian na pag-uusap.

“I think the secret is to let your partner grow, because if you don’t let each other grow… then you kind of run out that passion, that honeymoon phase” paliwanag pa niya.

At kahit magkahiwalay ngayon sa kanilang mga proyekto, siniguro ni James na sabay pa din nila inaabot ang kanilang mga pangarap ni Nadine.

“When you’re constantly growing, everyday there’s more to love,” pahayag pa ni James.

Mapapanuod si James sa nalalapit na pagsisimula ng Idol Philippines bilang isa sa mga hurado.