• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Kier Legaspi always tried to be a part of Dani’s life’: Gretchen Barretto dumipensa para kay Kier Legaspi

‘Kier Legaspi always tried to be a part of Dani’s life’: Gretchen Barretto dumipensa para kay Kier Legaspi

Mainit na usapin ngayon ang tell-all ni Gretchen Barretto tungkol sa kanyang pamangkin na si Dani at ama nitong si Kier Legaspi.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/22/2019 8:57 AM
‘Kier Legaspi always tried to be a part of Dani’s life’: Gretchen Barretto dumipensa para kay Kier Legaspi


Photo credit: @kier_legaspi/ @danibarretto/ @gretchenbarretto on IG

Kasabay ng mga naging pahayag ni Gretchen at Claudine Barretto sa kanilang live Instagram video nitong Miyerkoles ng gabi, isa sa mga napag-usapan ng magkapatid ay ang pagiging isang ama ni Kier Legaspi kay Dani Barretto.

Dito hindi itinanggi ni Gretchen na mayroong pagkukulang si Kier sa kanyang anak kay Marjorie. 

READ: Kier Legaspi pens heartfelt post for Dani Barretto: “I was the first man who ever loved you”

“Okay I’ll talk about Kier Legaspi naman, about Kier Legaspi is not just a wealthy father, siguro kung may kasalanan si Kier kay Dani, is hindi siya mayaman, hindi siya mayor, ‘di ba nang Caloocan ‘yung ganun,” pahayag ni Gretchen sa kanyang Instagram live video.

Ayon pa sa aktres, “Wala siyang limpak-limpak na pera, you know ‘yun lang ang kasalanan ng isang Kier.”

Dumipensa din si Gretchen para kay Kier na alam niyang may mabuting hangarin na maitaguyod at magbigay suporta sa kanyang anak.

“No! no! You’re asking me a question, and I’d like to just answer you know as candidly as possible you know, ‘so yun lang ang kasalanan but he always tried,” aniya.

Patuloy pa ni Gretchen sa live video “Kier Legaspi always tried to be a part of Dani’s life, but the mom of Dani did not allow it because in the beginning... (no I don’t won’t do that I’m giving too much information) that’s it! I cut there,” pabirong sagot ni Gretchen sa naging tanong ng netizen sa kanilang live video.

Aminado man sa naging sama ng loob sa kanyang pamangkin, nanatili pa din daw ang pagmamahal ni Gretchen para dito.

READ: Gretchen at Claudine Barretto, may sama ba ng loob kay Dani Barretto?

“I loved Dani, uminit ang dibdib ko honestly. As a somebody who took care of her, I really, really wish na she’ll have a little gratitude in her heart, yun lang!,” pahayag pa niya.

Samantala, sa isang Instagram post, isang simpleng mensahe ng pasasalamat ang ibinigay ni Kier para kay Gretchen. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thank you. God bless you and your family. @gretchenbarretto

A post shared by ~ cняιsтσρнεя кιεя ℓεgαsρι ~ (@kier_legaspi) on