• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo, may patikim sa pagtatapos ng ‘Playhouse’

Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo, may patikim sa pagtatapos ng ‘Playhouse’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/22/2019 10:20 AM
Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo, may patikim sa pagtatapos ng ‘Playhouse’


September 2018 nang magsisimula ang Playhouse.  Ito ang kuwento ni Patty at Marlon na on the rocks ang pagsasama nang magkaroon ng instant na pamilya sa pagdating ng batang si Robin na anak ng best friend ni Patty.

Simula noon, sinubaybayan na ng mga manunuod ang daytime series ng Playhouse na magtatapos na ang kuwento ngayong araw, March 22.

Si Angelica Panganiban na gumaganap bilang si Patty, aminadong hahanap-hanapin ang magandang samahan nila sa production ng serye.

“Siyempre ang hirap gumising isang araw na, ‘Ay wala ako taping ngayon’ at wala na talagang taping at hindi ko na sila ulit makikita. ‘Yun ang pinakamahirap, ayun ang mami-miss.” sabi ni Angelica.

Si Zanjoe Marudo naman, hindi pa din tanggap na magtatapos na ang kanilang teleserye.

“Hindi pa nagsi-sink in sa akin ngayon na matatapos na itong show na ito at hindi ko na makikita ang mga nakasama ko sa mga susunod na buwan,” paliwanag ni Zanjoe.

Ang child star naman na si Jj Quilantang, hindi napigilan na bumuhos ang luha dahil hindi na niya regular na makikita ang kanyang mga kasamahang artista.

“Wala na po ako makikitang momshie,” malungkot na pahayag ni Jj.

Ngayong araw, mapapanuod ang huling tagpo kina Marlon at Patty na mapapanuod bago mag It’s Showtime.