• Home
  • Fresh Scoops
  • Teejay Marquez, confirms being offered to host It's Showtime Indonesia

Teejay Marquez, confirms being offered to host It's Showtime Indonesia

Teejay Marquez confirms having an appointment with It's Showtime Indonesia's management, to be one of its hosts.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/21/2019 7:00 PM
Teejay Marquez, confirms being offered to host It's Showtime Indonesia


Naghihintay na lang ng kontrata para maging ganap ang pagiging isa sa mga hosts ng aktor na si Teejay Marquez sa It's Showtime Indonesia. Ayon kay Teejay, nagkaroon na siya, kasama ang manager na si Arnold Vegafria, ng appointment sa management ng naturang noon time show franchise. 

"Pero nagkaroon po kami ng appointment, pero si Sir AlV pa rin po yung makakasagot kasi gagawin pa po namin yung pelikula (G! LU). Pero kung [matutuloy] mag-It's Showtime Indonesia ako, why not?" pahayag ni Teejay sa press, sa naganap na story conference para sa pinaka-una niyang movie project sa Pilipinas, ang G! LU (Go! La Union).

"Wala pa yung kontrata e, hinihintay ko yung kontrata, pero more or less - basta ma-sign na yung kontrata, tuloy na 'yon," paliwanag naman ng manager ng aktor.

 

Kilala na si Teejay sa Indonesia, lalu na sa kanyang pagganap sa isang teleserye doon, ang Siapa Takut Jatuh Cinta, o ang Indonesian version ng Meteor Garden. 

"Very thankful ako sa opportunity na binigay ng Indonesia because, hindi mo naman aakalain na ang isang Pilipino na mabibigyan ka ng pagkakataon na, makilala sa kanila," paliwanag ni Teejay.

EXCLUSIVE: Teejay Marquez shares his experience being part of Meteor Garden in Indonesia

Paglilinaw pa ng aktor, wala sa isip niya ngayon ang iwanan ang career niya sa ibang bansa, "Kasi siyempre nasa loob ng dalawa (Philippines and Indonesia) yung market [ko], and supportive din sila (Indonesian fans) na andito ako [sa Pilipinas]." 

Makakasama ni Teejay sa nasabing pelikula ang ilang kapwa endorser niya sa Bench apparel brand, na sina Kiko Estrada, Derrick Monasterio, Ruru Madrid, at David Licauco. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

G LU! Storycon with the VBC boys! 🎬 #GLU

A post shared by @ teejaymarquez on

FIRST ON PUSH: ‘It’s Showtime’ lands franchise in Indonesia

SEE: Introducing ‘It’s Showtime Indonesia’ Filipino host Leo Consul

Kung matutuloy ang pagiging host ni Teejay sa It's Showtime Indonesia, makakasama niya ang kapwa Pilipino at singer na si Leo Consul. 

Magsisimula ang unang episode ng noontime show franchise sa March 25, sa MNCTV ng Indonesia.