Teddy Corpuz, nakausap na rin si JK Labajo

Teddy Corpuz, kinuwento kung paano sila nagka-ayos ni JK Labajo.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/21/2019 11:25 AM
Teddy Corpuz, nakausap na rin si JK Labajo


Sa unang pagsabak ni It’s Showtime host Teddy Corpuz sa Tonight with Boy Abunda, nag-komento siya sa napapabalitang gusot na nangyari sa Rocksteddy noong nakaraang taon. Ani Teddy, “kasi sa band namin ako lang yung nagsusulat ng songs e. I realized paano kung kunwari pagod na ako, or gusto kong magpahinga… paano yun e di galit kayo sa akin kasi wala tayong Rocksteddy?”

Paliwanag pa niya nanggagaling ito sa sentimiyento na gusto niyang magpahinga at nag-aalala siya sa mga ka-banda niya kung mawalan ito ng source of income. “Yung ibang bandmates full time sa banda. Kung may gig kami, may pera kami. Kung walang kaming gig, wala silang pera. E ako meron akong ibang raket e. Parang hindi nila ma-gets yung point na gusto kong magpahinga.”

Pagpapatuloy pa ni Teddy, “As of now, we’re still on that conversation stage and I’m currently encouraging them na uy hanap kayo ibang raket niyo…” 

Sa naging issue naman nila kamakailan lang ni JK Labajo, in-explain ni Teddy kung paano nila naayos ni JK ang lahat. “Nabasa ko na yung rant ni JK sa Instagram stories niya about me. Apparently nabasa na niya yung comment ko. Nag-direct message ako sa kanya sa Instagram. Nag-message naman siya kagad.” 

Nag-usap diumano ang dalawa sa telepono at nag-sorry naman si JK kay Teddy at binura pa daw ni JK ang mga nai-post nito sa IG patungkol kay Teddy. Nag-apologize din si Teddy kay JK.  “Nag-sorry nga siya sa akin e. Binura ang mga pinost tapos nag-usap kami. Ako din nag-sorry sa kanya. Kung meron akong regret siguro probably next time I won’t comment on…” kuwento ni Teddy.  

Pagtatapos ni Teddy, “hindi ko alam yung intention kung bakit nagmura si JK… para sa akin everything is permissible naman e, but not everything is beneficial.”