• Home
  • Fresh Scoops
  • Gretchen at Claudine Barretto, may sama ba ng loob kay Dani Barretto?

Gretchen at Claudine Barretto, may sama ba ng loob kay Dani Barretto?

Sinagot ng magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto kung imbitado ba sila sa nalalapit na kasal ng pamangkin na si Dani.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/21/2019 3:28 PM
Gretchen at Claudine Barretto, may sama ba ng loob kay Dani Barretto?


Sa pambihirang pagkakataon, magkasama sa isang Instagram live video ang magkapatid na sina Gretchen at Claudine Barretto nitong Miyerkoles ng gabi (March 20).

Dito, isa sa mga naitanong ng netizens ay kung imbitado ba sila sa nalalapit na kasal ng kanilang pamangkin na si Dani Baretto.

READ : Dani Barretto is engaged

“Honestly No! I’m not invited,” ayon kay Greta.

Itinanong din ni Gretchen ang tanong ng netizen kay Claudine.

“O you wanna answer?,” tanong ni Greta sa bunsong kapatid.

“O ayaw, you don’t wanna answer or you’re not invited?” patuloy na pagtatanong ni Gretchen kay Claudine.

“Both!” Tumatawang sagot ni Claudine kay Gretchen.

Bukod sa usapin ng imbitasyon ng kasal ng pamangkin, binalikan din ng magkapatid ang naging pagtulong nila noon sa kapatid na si Marjorie Barretto noong ipinagbubuntis nito ang panganay na anak nito kay Kier Legazpi.

“Ayoko magbilang, ang sinasabi ko lang, Marjorie and Dani lived with me in Blue Ridge, nanganak si Marjorie, at that time she was doing a film with VIVA Films,” ani Gretchen.

“Kaka-19 lang niya, nagta-trabaho ako, ako po ang nagbayad ng hospital bills,natural pamangkin ko siya, anak siya ng kapatid ko na minamahal ko,” patuloy pa niya.

Bukod sa pagbabayad noon ni Gretchen sa bills, patuloy din ang naging suporta niya noon kay Dani, na itinuring niyang anak anakan noong dalaga pa siya.

“She needed a yaya, Yaya Susan, ako po ang nag-suweldo, hindi po ako nagyayabang, I’m just trying to refresh the memory of everybody. The reason kung bakit ko sinasabi, kung magmahal ako ... nagbibigay kami (referring to Claudine) hindi dahil sa gusto kong ipagyabang 24 years later. No, ganun tayo magmahal, ganun tayong mga Pilipino magmahal, kung sino ang nakakaangat, yun ang tutulong sa pamilya at lalo na kung paborito mong kapatid,” sabi pa niya.

“Dani was the apple of my eye, I didn’t have any children yet, Dominique wasn’t born yet, I provided everything. Including love and attention, including Claudine,” sabi pa ni aktres.

“Minahal ko si Dani, I thought I was her second mother and when she called me mama, mama Nel, sineryoso ko yon, so parang nung sinabi niya non na ‘My mama was the only one there for me, who raised me’, ano ako multo? Ano si Claudine multo?

“Parang for me, ouch! Di ba parang ouch! I was hoping na I raised, or I gave love to people who at least can be grateful, yun lang! Not counting the material things that I give away. But the time, the love and the attention, ‘yun lang!,” pahayag pa niya.

Matatandaan na nitong taon lang din nagkaayos si Claudine at Gretchen matapos ang mahabang panahon na hindi nila pag-uusap.

WATCH: Claudine Baretto surprises sister Gretchen on her 50th birthday