• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual, willing maghintay kay Judy Ann Santos para sa reunion project

Piolo Pascual, willing maghintay kay Judy Ann Santos para sa reunion project

‘Don’t Give Up On Us Baby’ noong 2006 ang huling pelikula ni Piolo Pascual na kasama si Judy Ann Santos.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/20/2019 11:23 AM
Piolo Pascual, willing maghintay kay Judy Ann Santos para sa reunion project


Photo credit: @officialjuday on Instagram (R)

Todo ngiti ang aktor na si Piolo Pascual sa naganap na launching ng AMA Computer College online school education kung saan siya ang bagong ambassador.

Dito, naibahagi ni Piolo na kahit pansamantala siyang mawawala ng dalawang buwan para mag-aral ng film production sa Florence, Italy, nais niyang humabol sa bumibilis na online technology sa tulong ng online school.

“We’re looking at studying other platforms which we have. Like when we came out with our first movie before Kimidora, we were transforming from analog to digital and from film to digital,” aniya sa panayam ng press.

At sa kanyang pagbabalik mula sa pag-aral, lima hanggang anim pa na pelikula ang nakatakdang gawin niya kaya’t hindi naiwasan na itanong sa kanya kung bahagi na ba nito ang reunion project nila ni Judy Ann Santos.

READ: WATCH: Piolo Pascual and Judy Ann Santos' unexpected 'reunion'

“It’s just a matter of time, I guess when she’s free already to do the film. But I’m keeping my fingers crossed. I hope bago kami tumanda. That’s what I always say, anytime she’s free I’ll make myself free for her,” sabi pa ni P.

Habang marami ang naghihintay sa kanilang balik-tambalan, isang reunion movie din ang sikreto niyang ginagawa ngayon.

“We’re shooting already!” masayang sagot ni Piolo. “…It’s a reunion film as well,” pahayag pa niya.

Tinatapos din ni Piolo ang mga pelikula kina Lav Diaz at Brillante Mendoza.