• Home
  • Fresh Scoops
  • Keempee de Leon, pinagbawalang pumunta sa ‘It’s Showtime’?

Keempee de Leon, pinagbawalang pumunta sa ‘It’s Showtime’?

Balik-Kapamilya si Keempee de Leon matapos ang mahigit isang dekada.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/20/2019 9:47 AM
Keempee de Leon, pinagbawalang pumunta sa ‘It’s Showtime’?


Matapos ang mahigit isang dekada ay balik-Kapamilya na si Keempee de Leon at bida rin siya sa upcoming daytime teleserye na Nang Ngumiti ang Langit.

Nang makapanayam ng entertainment press sa kanilang press conference ay naitanong sa kanya kung ipinagbawal ba siyang mag-guest sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime dahil ito ay katapat ng Eat Bulaga kung saan siya ay naging host ng ilang taon.

Kuwento ni Keempee, kinausap niya ang top executive ng TAPE, Inc. na siyang may hawak sa nasabing noontime show at sinabing magpupunta siya sa It’s Showtime upang i-promote ang teleserye.

"I'd been with Eat Bulaga for 14 years and then wala na ako sa kanila for three years. Si Tita Malou Choa-Fagar (TAPE executive) tinext niya ako about that at sabi niya kumbaga since katapat ng Eat Bulaga parang hindi puwede mag-guest dahil katapat ng Eat Bulaga. Sabi niya it's work ethics naman. Pero ipinaglaban ko. Sabi ko gusto ko mag-guest,” aniya.

"Sabi ko I'm just being professional to my work, and at the same time lumipat na naman ako. I'm not with them. So gusto ko i-promote 'yung show. Hindi naman po porke nag-guest ako sa Showtime ay kinakalaban ko po sila. It's about promoting the show Nang Ngumiti Ang Langit," dagdag pa niya.

"Sabi ko kay Tita Malou sana po walang personalan, trabaho ko po ito. It's my choice and I had to move on."

Ang huling show ni Keempee sa ABS-CBN ay ang Klasmeyts noong 2002 at last week naman ang guesting niya sa It’s Showtime kung saan nakasama siya sa segment na “KapareWho.”