• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinaglaban ni Luis Taruc, inspirasyon ngayon ng apo niyang si Francesca Taruc sa beauty pageant

Ipinaglaban ni Luis Taruc, inspirasyon ngayon ng apo niyang si Francesca Taruc sa beauty pageant

Ipinamalas din ni Francesca Taruc ang kanyang “Hukbalahap Walk”.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/20/2019 11:17 AM
Ipinaglaban ni Luis Taruc, inspirasyon ngayon ng apo niyang si Francesca Taruc sa beauty pageant


Matapos ang pag-anunsyo ng Binibining Pilipinas sa mga opisyal na kandidata para sa 2019, tila wala talaga muna sa plano ni Francesca Taruc na sumali ngayong taon sa prestihiyosong beauty pageant.

READ:Kilalanin ang mga kandidata ng 2019 Binibining Pilipinas

“Baka po after two years sasali po ako. Kakapanalo ko lang din po this January 19 so may one year contract po ako with my previous pageant and paninindigan ko po ang korona ko,” aniya sa panayam ng press.

Si Francesca Taruc ay tubong Pampanga at apo ng tanyag na pinuno ng HUKBALAHAP (Hukbong Bayan Laban sa mga Hapon) noong World War II na si Luis Taruc.

Sa kanyang unang laban sa international pageant arena noong Enero, nasungkit ni Francesca ang korona sa 2018 Miss Tourism World Intercontinental beauty pageant na ginanap sa Nanjing, China kung saan ipinamalas niya ang kanyang “Hukbalahap Walk”.

Kahit maugong ang kanyang napipinto sanang pagsali bilang isa sa mga strong candidate para sa Binibining Pilipinas, inamin niya ma masaya siya ngayon sa kanyang naiuwing korona at nais ipagpatuloy ang kanyang adbokasiya sa kanyang pageant.

“Maganda po ang nagawa niya sa bansa, nagkaroon po tayo ng freedom dahil sa katapangan niya and ngayon po, I promote women empowerment dahil inspirasyon ko po ang ipinaglaban niya (Luis Taruc) para sa bayan,” proud na pahayag ni Francesca.

Sa ngayon, aktibo si Francesca sa pagtulong sa mga beauty pageant, at isa din ngayon sa Chairman of the Board para sa nalalapit na Mister and Miss Esquire 2019 na gaganapin ngayong Abril sa Tacloban City, Leyte.