Gerald Anderson, sinabing gustong magkaroon ng apat na anak

Tinuturing ding ‘supportive girlfriend’ ni Gerald Anderson ang kasalukuyang nobya na si Bea Alonzo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/20/2019 11:13 AM
Gerald Anderson, sinabing gustong magkaroon ng apat na anak


Photo credit: @_magandangbuhay on Instagram

Pinuno ng kilig ang dalawang momshie hosts na sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal sa episode ng Magandang Buhay noong March 18. Naging bukas kasi ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson sa kanyang kasalukuyang love life.

"Hindi ako medaling… mahirap akong partner din, kasi ang dami kong ginagawa. Ang dami kong gustong marating. Hindi yan madali kapag may relationship ka," pahayag ni Gerald sa mga momshie hosts, matapos niyang bigyan ng tour sa kanyang bagong tayong gym. 

"Yung support na binibigay niya sa akin, walang kapalit e. Yung ibang mga na-achieve ko, hindi ko rin magagawa kung hindi rin dahil sa kanya," dagdag ni Gerald tungkol sa kanyang nobyang si Bea Alonzo.

Nagsimula ang pagkakamabutihan nina Gerald at Bea noong taong 2010, na ayon kay Bea ay napilitan silang itigil dahil sa marami ang humahadlang at hindi pa tamang oras. 

 

READ: Bea Alonzo recalls love story with Gerald Anderson

WATCH: Bea Alonzo throws a surprise birthday party for Gerald Anderson

Sa parehong episode din ay binihagi ni Gerald Anderson kung ilang anak ang gusto niya kasama si Bea, nine years from now. "Ako pangarap ko sana, four babies," sabi ni Gerald.

Sa ngayon, busy sa pagpapatakbo ng kaniyang bagong bukas na gym ang aktor.

READ: Gerald Anderson shares the story behind his new business, The Th3rd Floor