• Home
  • Fresh Scoops
  • Gelli De Belen, aminadong nahuhumaling ang asawa sa isang babae

Gelli De Belen, aminadong nahuhumaling ang asawa sa isang babae

Gelli De Belen, may mga rebelasyon tungkol sa kanyang asawang si Ariel Rivera.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

3/20/2019 10:08 AM
Gelli De Belen, aminadong nahuhumaling ang asawa sa isang babae


Photo credit: @rivera.arieljose on Instagram (L)

Sa Tonight with Boy Abunda, hindi ikinaila ni Gelli De Belen na may kinahuhumalingang babae ang asawa niyang si Ariel Rivera. Kuwento ni Gelli, nagsimula ang lahat nang mapanuod ni Ariel ang pinapanuod ni Gelli. “Si Ariel kasi nanunuod kasi ako lagi ng telenobela, kung sino ang may hawak ng remote siya ang masusunod di ba? So noong mga panahon na yun tinatapos ko lang yung episode,” pagsisimula ni Gelli. 

READ: Gelli De Belen and Ariel Rivera share the secret of their 26-year relationship

Matapos nito, siguro daw ay may nakita si Ariel na nakatawag ng kanyang pansin. “Siguro napansin niya parang nagandahan siya dun sa babae tinuloy-tuloy niyang panuorin,” pagpapatuloy ni Gelli. 

Hanggang sa noong inaabot na daw ni Gelli ang remote control ng TV kay Ariel ang sabi diumano ni Ariel ay, “No, no, it’s okay you can watch.” 

Pero hindi pa doon nagtatapos ang kuwento ng pagkahumaling ni Ariel dahil ayon kay Gelli, “the next day tinext ako, ano nga ba yung pinapanuod mo kahapon? Tapos pinanuod na rin niya.” 

Nagsimula diumano ang love affair ni Gelli sa mga Korean teleserye noong papanuorin siya nito ng kanyang kaibigan na si Candy Pangilanan. Nauna din daw siya sa kanyang kapatid na si Janice De Belen sa pagkahumaling niya sa mga Korean series. 
 
Nakakatawang pagtatapos pa ni Gelli, “From then on my life was never the same, and my husband’s life was never the same.”