• Home
  • Fresh Scoops
  • Arjo Atayde, aayain ba manood ng ‘Bagman’ si Maine Mendoza?

Arjo Atayde, aayain ba manood ng ‘Bagman’ si Maine Mendoza?

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/20/2019 11:32 AM
Arjo Atayde, aayain ba manood ng ‘Bagman’ si Maine Mendoza?


Magkahalong kaba at pananabik ang nararamdaman ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde sa naganap na special screening ng IWant series na Bagman sa Trinoma nitong Martes, March 19.

Dito, present ang buong pamilya ni Arjo at ang malalapit na kaibigan ng actor, kasama na din ang mga katrabaho niya sa The General’s Daughter.

“Sobrang excited, sobrang excited for this, kinakabahan lang ako,” bungad ni Arjo sa panayam.

Aniya, ibang Arjo ang mapapanuod sa pinakabagong IWant series na ito.

“Building up a new character, challenging siguro yung role ko itself, it’s really a challenging role the role itself, everything is challenging. Preparation wise it’s a different role,” aniya.

Dito, naitanong din ng press kung may pag-asa ba na mapanuod din ni Maine Mendoza ang Bagman.

“May trabaho po, may trabaho po,”  nakangiting sagot ni Arjo.

Kung tatanungin din kung ano ang naging suporta ni Maine sa kanya, “Very, very happy po. Very supportive,” matipid niyang pahayag.

'Bagman' will begin streaming on March 20, 9PM on  iWant.ph.