The Search is on for Binibining Pilipinas 2019

Inaasahan ang pagdagsa ng future Pinay beauty queens sa muling pagbubukas ng application ng Bimibining Pilipinas.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/2/2019 11:42 AM
The Search is on for Binibining Pilipinas 2019


Photo credit to the owner

Opisyal nang inanunsyo ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated ang muling pagbubukas ng submission ng application para sa 2019 edition ng Binibining Pilipinas.

Sa Instagram post ng Binibining Pilipinas, inanunsyo na ang deadline ng last day ng applications.

Tatagal lamang ng labinlimang araw ang submission ng application form para sa susunod na magiging Binibining Pilipinas Globe, Grand International, Supranational, Intercontinental, International, at Universe.

Sa susunod na mga araw, inaasahan na ang pagbuhos ng mga aplikante para sa inaasam na korona na ipapasa ng Binibining Pilipinas Queens.

Sa ngayon, hindi pa tiyak kung kailan idaraos ang coronation night para sa 2019 ng Binibining Pilipinas.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lang ang official website ng Binibining Pilipinas

https://www.bbpilipinas.com/pageant-faqs.php