Maymay Entrata, sasabak na nga ba sa beauty pageant?

Binigyang linaw din ni Maymay Entrata ang usapin ng pagganap niya sa life story ni 2018 Miss Universe Catriona Gray.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/2/2019 11:45 AM
Maymay Entrata, sasabak na nga ba sa beauty pageant?


Binigyang linaw ng Kapamilya star na si Maymay Entrata ang mainit na usapin gayon sa social media na nagtutulak sa kanya na subukan na sumali sa isang beauty pageant.

Kasunod ito ng agaw-atensyon niya na pagrampa sa Raise Your Flag homecoming celebration para sa naging tagumpay ni 2018 Miss Universe Catriona Gray.

Sa naganap na launching ng bagong single ni Maymay na “Kakayanin Kaya” ng Star Music, isa sa mga naging usapan ang kanyang saloobin sa pagsali sa beauty pageant.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

‪Hanggang ngayon nag uumapaw ang aking kasiyahan! Di makapaniwala na maging parte ng fashion show with our beloved beauty queens ! Lalo na kay Ms. @catriona_gray ngayon lang ako ulit mag salita pero di ko na mapigilan ang pag hanga at bait nya! Glory to God!! 😭❤️ . . Ps. Abangan po sa @iwantasap nandun po lahat ang mga pangyayari sa backstage at kung panu namin ginawan ng paraan ang makapag picture lang kay Ms. Cat pero sad to say wala juy chance 😭pero alam kong may next time pa❤️ sapat na sakin ang makita sya 🙏🏻 Salamat po at naging bahagi ako ng napaka gandang gabing ito. 🌠 . . Sobrang thank you po sa nagpaganda at mala prinsesang gown Designer: Sir @maktumang Make up Sir @makeupartbyowen Hair by Sir @jayweehair #MaymayWalksForCatriona‬

A post shared by MayMay Entrata (@maymay) on

“Pag beauty queen kasi hindi po clear sa akin kung ‘yun ang gusto ko. Maraming salamat po sa nagsasabi, para akin, magiging mahirap ‘yun, marami pa akong pina-priority sa buhay ko may trabaho po dito sa showbiz,” tugon ni Maymay sa entertainment press.

Aniya, malaki ang kanyang pasasalamat sa mga nakapansin sa kanyang ipinamalas na pagrampa ala-Miss Universe Philippines.

“Sa pageant naman po, salamat po lahat ng naka appreciate sa lakad ko, para sa akin malabo pa na gusto ko siya sa ngayon,” ani Maymay.

Kuwento pa niya, hindi sumagi sa isipan niya kahit noon pa ang maging beauty queen.

“Sinasabi ng Lolo ko. Sabi ko, ‘Maawa ka sa akin. Wala kong dibdib, ‘tay (laughs),’” masayang kuwento ng Kapamilya star.

Pagdating naman sa usapin sa pagbibigay buhay ni Maymay sa life story ni 2018 Miss Universe Catriona Gray, ito ang kanyang naging reaksyon:

“Ang alam ko po, isa po ako sa mga gusto ni Ms Catriona Gray, pero kung papagawain po ako? Ah talagang overwhelmed ako. Sobrang humbling na ako ang isa sa mga pinili ni Ms. Catriona pero ganon nga po nakaka-kaba talaga,” paliwanag ni Maymay.

“Tsaka gusto ko sang-ayon lahat ng tao, gusto masaya lahat sila, hindi ‘yung ‘a bakit siya?’ ganito, ganyan dapat kung ano ang majority na gusto ng tao ‘yun ang dapat sundin,” patuloy pa niya.

Aminado din ang Kapamilya star na malaking-malaki ang pagkakaiba nila ni Catriona Gray.

“Siguro po kasi, magkaiba kami ng culture ni Ms. Catriona. Hindi ko alam kung nagda-dalawang isip sila ganun. Tsaka alam niyo naman na ang ganda ni Ms. Catriona ayun. English din siya, alangan naman na mag English din ako sa MMK,” aniya.

READ: Catriona Gray wants Maymay Entrata to star in her life-story for MMK

Kahit na personal choice siya ng ating Miss Universe noon na gampanan ang kanyang life story sa MMK, ito ang sagot ni Maymay: “Pero ayun kung mataas ang proseso ng paghahanda kay Ms. Catriona tsaka mataas ‘yung paghahanda siyempre okay naman po sa akin yun. Pero kung bukas agad, si ano nalang po si Sir Rox (Santos) or si Edward na lang (laughs),” masayang pahayag ni Maymay.

Bago pa man uminit ang usapin sa pagiging beauty queen ni Maymay, nauna nang gumawa ng pangalan si Maymay noong 2018 sa Arab Fashion Week kung saan kahanay niyang rumampa ang international ramp models.

LOOK: Photos from Maymay Entrata’s fittings for Arab Fashion Week