• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador talks about her rekindled romance: ‘I think it’s worth it’

Maja Salvador talks about her rekindled romance: ‘I think it’s worth it’

Kakaibang ‘happiness’ kung ilarawan ni Maja Salvador ang estado ng kanyang love life ngayon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/2/2019 11:08 AM
Maja Salvador talks about her rekindled romance: ‘I think it’s worth it’


Photo credit: @iammajasalvador IG (R)

Ayaw man pag-usapan ang maraming detalye ng kasalukuyang love life, masayang nagbahagi ng kaunti ang Dance Princess na si Maja Salvador sa press kahapon March 1, sa naganap na event para sa kanyang bagong brand endorsement, Guitar Apparel. 

"'Wag na tayo sa into details, ibigay niyo na lang sa akin 'yon, at least nag-share ako. It's my first time na, one thousand percent, na walang pagdadalawang isip, if I'll share it or not," unang pahayag ng aktres na tinutukoy ang kamakailang pagpopost sa Instagram ng photos kasama si Rambo Nuñez.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

💕

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

READ: Maja Salvador, rumored boyfriend Rambo Nuñez spotted together anew

Ayon sa huling report, siyam na taon nang nakakalipas nang maghiwalay si Maja at kanyang ex-boyfriend na si Rambo. Ikinumpirma ito ni Maja sa interview at sinabing walang matinding rason ang dating hiwalayan nila.

"'Yung dati naman kasi namin, ano yun e, 'Career or love life,' may ganon. Siyempre, bata (kami) ‘di ba?... So parang hindi nabigyan ng todong chance before, so eto na siguro ang chance," kuwento ng aktres. 

Sa loob na siyam na taong magkahiwalay, inamin ni Maja na nagpatuloy pa rin ang komunikasyon niya sa ina ni Rambo na si Marilen, sa katunayan tinatawag niya pa rin itong 'Mom.'

"Sobrang suwerte (ko) lang din na ang bait ng family (niya), na wine-welcome nila (ako) ng parang pamilya. Actually parang anak ang turing sa akin e, yun yung masarap sa pakiramdam," sabi ni Maja.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

💖

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

LOOK: Maja Salvador receives flowers from an old flame

Binabawi na rin daw ng aktres ang dating pahayag na hindi niya binabalikan ang kanyang mga exes. "Minsan you break your own rules, and I think it's worth it," ani Maja.

"Sabi ko nga, ang gaan, sobrang kabaligtaran ng dati," pahabol na pahayag ng aktres.

Si Gerald Anderson ang huling kilalang naging ex-boyfriend ni Maja. Naghiwalay ang dalawa sa hindi isina-publikong dahilan noong 2015.

Samantala, naghahanda ngayon ang aktres para sa isang pagbibidahang iWant digital series at isang teleserye sa ABS-CBN. Ang iba pang detalye ay hindi pa kasalukuyang nilalabas.