IV of Spades after Unique Salonga: ‘Mahirap sa umpisa’

IV of Spades, inamin na may tampo sa former vocalist na si Unique Salonga.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

3/2/2019 11:51 AM
IV of Spades after Unique Salonga: ‘Mahirap sa umpisa’


Photos credit: @ivofspades (L)/ @unique_salonga (R) IG

Hindi maiwasang matanong ang bandang IV of Spades na sina Zild Benitez, Badjao De Castro, at Blaster Silonga sa issue ng pag-alis ng kanilang former vocalist na si Unique Salonga.

READ: EXCLUSIVE: Kean Cipriano defends Unique Salonga from bashers: ‘We know our truth’

Sa interview nila sa Tonight with Boy Abunda, kinumpira ng tatlo na “umalis” nga si Unique sa banda. Nang tanungin kung nasaan sila ngayon pagdating sa “sound” matapos umalis ni Unique, sinabi ni Blaster na, “Medyo mahirap sabihin na better, feeling ko different oo.”

Kung papano naman ito nag-iba, paliwanag ni Blaster ay,  “(Pagdating sa) song writing tsaka sa sound medyo nag-iba rin. Noong panahon na nandun pa siya sa banda, medyo siya rin yung main songwriter tapos ngayon nabigyan kami ng opportunity na mag-step up.” 

Dagdag naman ni Zild tungkol sa pinagdaanan nila bilang banda matapos umalis ni Unique, “Mahirap sa umpisa pero may kasama kang dalawa na stick around sa’yo kahit anong mangyari…so tuloy lang.” 

Malaki din daw ang adjustment na ginawa nila ayon kay Badjao, “Sobrang hirap…Yun yung moment na pumutok ang band, pagkaputok bigla siyang nawala. And then we have to deal with the pressure of putting on a great show for the people who are going to watch us.”

Nang tanungin kung nakakausap pa nila si Unique, sabi ng tatlo ay “minsan.” Ayon pa kay Zild, “Hindi kami magkagalit pero hindi ko rin alam kung matatawag ko sa ngayon na… friends.”

“Siyempre” rin ang sagot ng tatlo nang tanungin kung may tampo sila kay Unique. Pero binawi naman ito ni Zild nang sinabi niya na ang tampo niya ay noon lang. “Noon lang pero ngayon wala na… para kaming bata lang na gumagawa ng music so parang nung panahon na yun mahirap siya lunukin. Pero ngayon maiintindihan mo na meron talagang artistic differences…” 

Pagtatapos ni Zild, “Baka may ibang rason ang ibang tao sa mga bagay na ginagawa nila. Reresputuhin mo lang ang ginagawa ng ibang tao…” Ito daw ang paraan para irespeto din ng ibang tao ang pinanggagalingan mo.