Gaano na ba kayaman ngayon si Luis Manzano?

Magkano kaya ang kinikita ni Luis Manzano bilang endorser, host, at businessman?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/2/2019 10:25 AM
Gaano na ba kayaman ngayon si Luis Manzano?


Photo credit: @senorita_jessy IG

Kabi-kabila ang product endorsements. Napanood bilang host ng Minute To Win It weekdays sa ABS-CBN. Tuwing Sabado at Linggo ay host naman ng World of Dance Philippines at ASAP Natin ‘To.

Ganyan ka-in-demand si Luis Manzano. Pero bukod sa pagiging busy niya bilang host ay may mga inaasikaso din siyang ilang businesses.

Gaano na nga ba kayaman si Luis?

“Akala n’yo lang mayaman ako… akala n’yo lang,” natatawa niyang reaksyon.

Dagdag pa niya, “I’m very blessed, pero sabi ko nga, if people understand the industry, I’m not saying na I’m not well compensated (as TV host), pero iba ang bayad sa isang leading man kumpara sa TV host sa maniwala kayo o hindi.”

Iginiit din niya na hindi raw siya yung katulad ng iniisip ng marami na sobrang yaman.

“Hindi ako yung iniisip n’yo na parang… di ba, yung sobrang yaman.”

Hindi naman itinanggi ni Luis na meron siyang mga businesses pero may mga kasosyo daw siya dito.

“Yeah, I have a few, pero hindi siya yung parang… We have this notion kasi na pag host ka, eh, sa yo yung (malaking TF). Iba talaga ang TF ng the hottest leading man na kinakikiligan sa isang simpleng host.

“I’m just saying na baka we have this notion kasi na… kasi for example, naririnig ko kung magkano yung TF niyan, pero sa inyo yan, ito yung sa akin,” katwiran ni Luis.

Aminado rin ang magaling na TV host na dahil sa pera kaya nade-delay pa ang plano nilang pagpapakasal ni Jessy Mendiola.

“Yon ang number one actually, nag-iipon pa talaga ako. Kasi di ba, madaling magpakasal, sobrang dali pero pag nilatag mo na at may pamilya na kayo especially ngayon na mahirap ang buhay, medyo nakakatakot.

“Okay fine, maganda ang buhay natin ng mga ilang taon, pero paano kung may mangyari, di ba? I want to be able to provide a life na I believe I and my family would deserve,” sambit niya.

Ipinagmalaki rin ni Luis na may bagong business siya ngayon.

“May scent company (perfume) na ako. It’s called Lucky & Lulu. May dalawang kiosk na kami sa SM Bacoor, SM BF and we’re hoping na dumami pa at maglalabas pa kami ng marami pang products,” kuwento pa ni Luis.