• Home
  • Fresh Scoops
  • Transgender woman Mitch Talao: ‘Ang nagpabuo po sa akin si baby Eros po talaga.’

Transgender woman Mitch Talao: ‘Ang nagpabuo po sa akin si baby Eros po talaga.’

Transgender woman Mitch Talao, nagbago ang isip magpa-sex change nang magkaroon ng anak.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

3/19/2019 10:16 AM
Transgender woman Mitch Talao: ‘Ang nagpabuo po sa akin si baby Eros po talaga.’


Sa unang pagkakataon nakaharap ng Pinoy Big Brother Otso former housemate at transgender woman Mitch Talao ang King of Talk sa Tonight with Boy Abunda

Ayon kay Mitch na kinasal kay Donnalyn “Dudz” Ibanez noong February sa loob ng bahay ni Kuya, mas naging matatag pa lalo ang relationship nila matapos ang kasal. “After po nung kasal, mas lumalim po saka mas tumatag po yung pagsasamahan namin. Kasi dream din po talaga naming ikasal,” ani Mitch. 

READ: Transgender mom Mitch Talao marries partner Dudz Ibañez inside the PBB house

Mag-aapat na taon na rin daw sila ni Dudz sa June 1. Sinabi din ni Mitch na “101 percent faithful siya” sa kanyang asawa. “Ako po talaga naa-attract ako sa mga lalaki pero hanggang ganun lang po. Pero pag alam kong may karelasyon po ako, sobrang faithful po talaga ako,” dagdag pa ni Mitch.

Ganun din daw si Dudz na faithful sa kanya. “Sobra po din. Naramdaman ko din po talagang sobrang faithful niya sa akin.” 

Sa usapin naman nang pagpapalit ng kasarian, noon daw ay gusto niyang magpa-sex change pero nabago ito dahil sa pagdating ng anak nila ni Dudz na si Eros. Kuwento ni Mitch sa host na si Boy Abunda, “Dati po plan ko talagang magpa-sex change po. Feeling ko po dati pag nagpa-sex change ako magiging ganap na babae ako. Pero nung nakilala ko po si Dudz tapos nagkaroon kami ng baby Eros, naano ko po sa sarili ko na hindi pala importanteng magpaganun para maging buo ka na babae.” Ayon kay Mitch, “Ang nagpabuo po sa akin si baby Eros po talaga.” 

Wala rin daw silang balak na itago sa anak nila kung ano ang gender identification nila at ipapaliwanag nila ito ng maaga sa bata. Ina-identify ni Mitch ang kanyang sarili bilang “transgender woman” at si Dudz naman daw ay ina-identify ang sarili bilang “lesbian.”