Transgender candidate, semi-finalist sa Miss Norway 2019

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/19/2019 12:11 PM
Transgender candidate, semi-finalist sa Miss Norway 2019


Photo credit to the owner

Kasunod ng paggawa ng pangalan ni Angela Ponce ng Spain bilang kauna-unahang transgender candidate noong 67th edition ng Miss Universe Pageant sa Bangkok, Thailand, may isang transgender beauty queen ngayon na maaring makapag-uuwi ng korona bilang Miss Universe Norway 2019.

Sa naglalabasan na kampanya ng LGBT groups at pageant fans, patuloy na ang masigasig na training ni Eirin Grinde Tunheim na kabilang ngayon sa 12 na kandidata na susubuking sungkitin ang korona para maging kinatawan ng Norway sa 2019 Miss Universe pageant.

Ayon sa kanyang social media post, isang dentistry student si Eirin na hayagan din na ipinagmamalaki ang kanyang tunay na kasarian bilang isang dating lalaki.

Kung papalarin sa Miss Norway 2019, si Eirin ang ikalawang transgender beauty queen na papalarin ma makatungtong sa Miss Universe stage.

Bukod sa Miss Universe crown, sa Miss Norway beauty pageant din pipiliin ang kinatawan ng Norway sa 2019 Miss Grand International.