• Home
  • Fresh Scoops
  • Nadine Lustre at James Reid, magkalaban sa isang eSports game

Nadine Lustre at James Reid, magkalaban sa isang eSports game

Nadine Lustre at James Reid aminadong gamers at todo suporta sa gamers community sa bansa

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

3/19/2019 10:27 AM
Nadine Lustre at James Reid, magkalaban sa isang eSports game


Sa ulat ng TV Patrol, all out sa cosplay at paglalaro ng Tekken 7 ang vloggers at real life couple na sina Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao sa isang gaming event. Ani Alodia, “Sobrang saya kasi ang tagal na naming hindi naglalaro ng Tekken against each other.”

Bukkod sa Tekken 7, ilan pa sa games sa nasabing event ang Mobile Legends at Nintendo Switch.

Masaya din si Wil at sinabing ang event ay isang celebration, “it’s all about celebrating gamers and gaming.”

Hiyawan din ang fans nang maglaro ang isa pang real life couple na sina James Reid at Nadine Lustre. Natalo ni Nadine si James sa game. Aminado rin ang dalawa sa pagiging gamer nila. Ayon kay Nadine, “I played a lot of console games before so this is really close to me.”

Si James naman ay nag-share pa kung ano ang unang console niya. “I consider myself a gamer. My first console is Nintendo 64. It’s really becoming a sport because it takes a lot of strategy, dexterity… Some of these players are really really intelligent.” 

Todo suporta din ang JaDine sa lumalaking gamers community sa bansa.

Ayon sa ulat, matapos ang gaming event ay sisimulan na ang nationwide search para mabuo ang eSports team ng Pilipinas na lalaban sa Southeast Asia.