• Home
  • Fresh Scoops
  • JM De Guzman at Arci Muñoz, napa-throwback sa kanilang past

JM De Guzman at Arci Muñoz, napa-throwback sa kanilang past

Kapwa produkto ng teatro sina Arci Muñoz at JM De Guzman.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/19/2019 12:22 PM
JM De Guzman at Arci Muñoz, napa-throwback sa kanilang past


Isang romantic comedy ngayon ang pagsasamahan ng Kapamilya stars na sina JM De Guzman at Arci Muñoz sa pelikulang The Last FOOLShow.

 

Sa pictorial pa lang, huling huli na ang kulitan at biruan ni JM at Arci na napa-throwback pa sa kanilang kabataan sa UP (University of the Philippines) kung saan magkasabay sila nag-aral.

“Dati magka-trabaho kami as staff, kami yung mga inuutusan, nag-aayos kami ng props, costume sa play, ‘yun ang trabaho namin hindi pa kami aktor at artista,” pag-alala ni JM.

“Na-witness niya ang pagbato sa akin ng script,” pabirong kuwento naman ni Arci.

Ayon pa kina JM at Arci, maraming aral ang kanilang dala-dala ngayon mula sa kanilang naging training sa teatro kung saan sila kapwa nagsimula.

 

“Marami talaga kaming natutunan sa teatro, 15 palang ako noon e, 16 naman si JM 2005,” ani Arci.

“Malaking bagay na magkaibigan kami noon, magkatrabaho kami ngayon. Very comfortable ako sa kanya,” pahayag pa ni Arci.

Sa darating na April 16, mapapanuod ang The Last FOOLshow sa ilalim ng Star Cinema.