Donna Cariaga, pinasalamatan si Coco Martin

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/19/2019 12:18 PM
Donna Cariaga, pinasalamatan si Coco Martin


Isa si “Funny One” winner Donna Cariaga sa leading lady ni Teddy Corpuz sa pekikulang Papa Pogi ng Regal Entertainment.

Kamakailan ay naging parte ng FPJ’s Ang Probinsyano si Donna at naikuwento niya ang labis na suporta sa kanya ni Coco Martin na direktor at lead star ng top rating kapamilya serye.

“Actually sa set po ng Probinsyano kahit sobrang bait po ni direk Coco, hindi po namin siya malapitan kasi sobrang busy po niya. Kaya nagulat po ako nang bigla lumapit siya sa akin, sabi, ‘Kailan lalabas ang pelikula mo?’” sabi pa ni Donna.

Laking gulat pa ni Donna na nalaman ni Coco ang kanyang role sa pelikula at nagtanong din kung kailan ipapalabas.

“Napanood niya daw po ang trailer parang ang laki ng role mo doon ah! Sinusubaybayan niya rin kami mga artist niya sa Probinsyano kung ano na mga nangyayari sa amin tapos siya na mismo nagpapakuwento. ‘Ano kuwento ng pelikula niyo?’ Kasi kapag may oras naman po siya, siya na ang nakikipag-chikahan sa amin,” pahayag pa ni Donna.

Sa ngayon, abala si Donna sa pag promote ng Papa Pogi na mapapanuod ngayong March 20.