Arjo Atayde, mapapasabak sa aksyon sa ‘Bagman’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/19/2019 12:28 PM
Arjo Atayde, mapapasabak sa aksyon sa ‘Bagman’


Bagong mapapanood sa iWant ang masukal na mundo ng pulitika at mga makapangyarihang tao sa bagong original series na Bagman.

Bibida sa action drama series si Arjo Atayde na gaganap bilang si Benjo, isang ordinaryo ngunit madiskarteng barbero na kumakayod para sa pamilya. 

Dahil buntis ang asawa, at sa mga hamon ng buhay, papayag si Benjo na gawin ang isang maliit na misyon para masalba ang kanyang kabuhayan. Hindi kalaunan ay masisilaw si Benjo sa pera at kapangyarihan at pagsisilbihan ang gobernador ng kanilang probinsya bilang “Bagman” nito.

“Go with the flow po ako eh. I went with it be the character direk gave me the freedom to create my own, to just do it. Basta I used my heart,” sabi ni Arjo.

Produced ng Dreamscape Digital at Rein Entertainment ang Bagman kung saan kasama rin sina Alan Paule, Yayo Aguila, Chanel Latorre, at Raymond Bagatsing.

At kahit dekalibreng mga artista ang mga makakasama, hindi nagpahuli si Arjo na makipagsabayan sa mga ito.

“I dont want to be boxed... I’ll continue doing what I am doing and I’ll do every role I can.”

Ang 12-part series na ito ay isinulat at idinirek ni Shugo Praico, Ang unang anim na episodes nito ay magiging available sa iWant ng libre simula March 20. Tatlong episodes naman ang mapapanood sa March 27, at ang huling tatlong episodes sa April 3.

Bukod sa Bagman napapanuod din si Arjo sa tumitinding mga tagpo sa The General’s Daughter sa ABS-CBN.

'Bagman' will begin streaming on March 20, 9PM on  iWant.ph.