• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda admits being in a relationship for four months now

Vice Ganda admits being in a relationship for four months now

Hindi man sinabi kung sino ang kasalukuyang nobyo, masayang inamin ni Vice Ganda na four months na siyang in a relationship.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/18/2019 10:28 AM
Vice Ganda admits being in a relationship for four months now


Habang pinag-uusapan ang mga past relationship at pagmu-move on kasama ang celebrity guest na si Angelica Panganiban, masayang nag-share ng ilang detalye ng kanyang love life ang Gandang Gabi Vice host na si Vice Ganda. 

Sa episode ng naturang programa kagabi March 17, inamin ni Vice na wala siyang gustong balikan sa mga naging karelasyon niya dahil masaya na siya sa kasalukuyang estado ng love life. 

"Ako wala na [akong babalikan], okay na ako sa present," pahayag ni Vice na kina-kilig ni Angelica at ng studio audience.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Gandang mas fresh pa sa bagong pigang gatas mula sa dodo ng cow.

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

 

Kinumpirma pa ito ni Vice Ganda nang diretsa siyang tinanong ni Angelica kung may nobyo ito ngayon. 

"Kilala mo diba, pina-meet ko na sa 'yo diba?" sabi ni Vice sa kaibigang aktres.

"I'm happy for you 'te," sagot ni Angelica kay Vice. 

Lalo pang naghiyawan ang mga studio audience sa kilig nang inamin ni Vice na "four months" na sila ng kanyang nobyo ngayon. 

Ito ang unang pagkakataon na naging bukas ang phenomenal box office star sa kanyang love life.