• Home
  • Fresh Scoops
  • Sino sa mga ex-bf ni Angelica Panganiban ang pinili niya na makasama sa isang elevator?

Sino sa mga ex-bf ni Angelica Panganiban ang pinili niya na makasama sa isang elevator?

"No," agad na sagot ni Angelica Panganiban, nang tinanong kung magkaibigan pa rin ba sila ngayon ni Carlo Aquino.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/18/2019 10:36 AM
Sino sa mga ex-bf ni Angelica Panganiban ang pinili niya na makasama sa isang elevator?


Photo credit: @iamangelicap on IG

Matapang na sinagot ni Angelica Panganiban ang maiinit na tanong ni Vice Ganda sa programang Gandang Gabi Vice kagabi, March 17. Sa naturang episode ay ipinaliwanag ni Angelica Panganiban kung bakit niya in-unfollow sa Instagram ang dating kasintahan na si Carlo Aquino, at sinabing hindi na sila magkaibigan ngayon.

"Medyo naapektuhan ako dahil, ano ang alam niya sa mga meron doon sa mga pinakita ko. So na-offend ako and pinagtanggol ko," pag-alala ni Angelica noong sinagot niya ang isang online basher na inakusahan siyang sinisiraan ang reputasyon ni Carlo Aquino.

"Sabi ko, sige ganto na lang, ayoko na lang ma-associate sa inyo. Ako pala yung nakakapagbigay ng hindi magandang image sa kanya (Carlo). Tapos in-unfollow ko siya," dagdag ni Angelica.

Paglilinaw ng Playhouse actress, maluwag sa loob niya ang ginawang pag-unfollow sa Instagram ng dating kasintahan. 

Nang tinanong naman kung magkaibigan pa rin sila ni Carlo ngayon, matipid at diretsong sinagot ito ni Angelica nang, "No."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Weekend na. Ganda ka pa ba?

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

 

Naging opisyal na magkasintahan sina Angelica at Carlo noong mga teenagers pa lamang sila. Sa kabila ng pagiging mag-ex, nagbalik bilang mag-loveteam ang dalawa sa pelikulang Exes Baggage noong nakaraang taon, na tinangkilik ng mga fans na 'CarGel.' 

READ: Angelica Panganiban reacts to a fan accusing her of hurting Carlo Aquino and tainting his reputation

READ: Angelica Panganiban: ‘Nasasaktan na ‘ko ulit. Totoong nagmamahal na 'ko’

Sa parehong episode din ng GGV, pinapili ni Vice Ganda si Angelica kina John Lloyd Cruz, Derek Ramsey at Carlo, kung sino ang 'keri' niyang makasabay sa elevator.

Pinili ni Angelica si Carlo at sinabing, "mas ayoko naman yung dalawa." 

 

 

Naging emosyonal naman ang aktres nang mapag-usapan ang pagtatapos ng pinagbibidahang teleserya na Play House

"Nakatanggap ako ng text na pwede nang i-announce yung ending ng Playhouse. Naiyak ako, sobrang close kasi namin doon," ani Angelica.

Nakatakdang matapos ang Playhouse ngayong Biyernes, at papalitan ng bagong programa na Nang Ngumiti Ang Langit.