Niña Jose, magbabalik showbiz?

Masaya daw si Nina sa desisyon na mawala muna sa showbiz nang siya’y magpakasal kay Mayor Cezar Quiambao.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/18/2019 6:56 PM
Niña Jose, magbabalik showbiz?


Mas tahimik at mas masaya na ngayon sa simpleng buhay pamilya, ganito ilarawan ng former Pinoy Big Brother teen edition ousemate na si Niña Jose ang kanyang buhay ngayon sa piling ng kanyang mister na si Mayor Cezar Quiambao ng Bayambang, Pangasinan.

 

Matatandaan na naging laman ng balita si Nina sa biglaan niyang pagpapakasal matapos ang pamamahinga sa showbiz.

READ: Former PBB housemate Niña Jose and Mayor Cezar Quiambao's church wedding

“Peaceful. Actually ang politics same din sa showbiz e’, pero I can say I’m happy, I’m contented and very blessed and I have a very loving husband, loving son a loving family, there’s nothing more I can ask for,” aniya sa panayam ng press.

Dahil isa ngayon sa katuwang ng kanyang mister na isang lingkod bayan sa Bayambang, Pangasinan, aminado si Niña na may mga dumarating pa din na mga offers na trabaho sa kanya sa showbiz.

“To be honest po, may offers po, pero ayaw na po ng asawa ko, gusto niya na po naka-focus ako sa kanya, and dito sa aming bayan,” sabi pa niya.

At kung tatanungin kung may posibilidad ba na balikan ang showbiz ayon kay Niña,

“Siguro kung babalik po ako, gusto ko na po magtrabaho behind na the camera, produce, produce po, pero minsan na-mimiss ko din,” sabi pa niya.

Abala man sa kanyang buhay pamilya, patuloy pa din naman daw ang komunikasyon nila ng kanyang mga kaibigan sa showbiz kabilang na si Kim Chiu at ilan pang kasamahan nila sa PBB.

READ: Kim Chiu thankful to Niña Jose for organizing PBB: Teen edition season 1 reunion